Mga Ilang Kuro-kuro sa Paglalakbay I: Manila-Bankok-Phuket (aka Lintek na Flight Schedule To!)

Babala:  Ang mga impormasyong mababasa dito ay pawang kuru-kuro ko lamang. Maaaring may kamalian, katangahan, at kalokohan. Maaaring wag maniwala. Maaaring huwag magbasa, pero kung gusto niyong mag-aksaya ng oras sa kababasa ng mga kalokohan ko sa paglalakbay na ito… sige, why not?

At isa pa… PICTURES, O! 😀

Marso 28, 2010 ang Diz iz really iz it! Ako na adik at hayok sa bakasyon ay binigyan na naman ng pagkakataong … well, magbakasyon. Haha. Tagal ko nang hinihintay ng mga araw na ito. Yung idea lang na walang pasok, walang trabaho, pwede gumising ng tanghali, at pwede akong matulog kahit kailan ko gusto, ay sapat na para talagang asam-asamin ko ang pagdating ng araw na ito.

Sus. Parang Disyembre palang napapanaginipan ko na ang sights and sounds dito sa Phuket (na sa ibang post nalang, ha?), kaya umaga palang ng a-beinte otso ay gayak na gayak na ko. Napaghandaan ko na namang mawalay sa mga kaibigan at sa B (pero hindi ibig sabihin nun eh hindi niyo nako ite-text! Nakaroaming pa ko, pakyu!) Siya, nasan na ko? Ah… gayak. Pinagpilitan ko pa talagang isiksik sa bagahe ko si Tatin the Tartol (wala pang picture, syet!), dahil pakiramdam ko kasalanan ang hindi siya dalhin sa mga lakad ko.

Continue reading

Walang Makikialam II

Kahit may panahong mabato ang daan,
Kahit madami ang bumubulong,
Kahit madami ang nagsasalita,
Kahit hinahabol ng nakaraan ang kasalukuyan,
Kahit hindi nila alam,
Kahit hindi ipinagsisigawan sa mundo,
Kahit hindi man sabihin ng malakas,
Kahit nauubusan ng salita ang manunulat,
Kahit tume-tengga sa ere,
Kahit minsan, pawisan,
Kahit nagmi-miko ka’t madaming palusot,
Kahit nananabla ka sa Facebook,
Kahit nireplyan at kinomentan na lahat, pwera lang ang B,
Kahit minsan, gusto kitang ipakain sa buwaya,
Kahit minsan gusto kong idikit sa punching bag ang picture mo’t gulpi-gulpihin ito,

B, mahal kita.

Anong alam nila? Wala.

Kaya walang makikialam.

Na-publish Ulit ang Balahurang Tensai :) Basahin, basahin!

Sandali lang, ano.

Alam kong naka-kalat na ito sa Facebook (salamat, mga kaibigan!), at binantaan ko na rin ang ilang mga kakilala at kapamilya para basahin ang online anthology na kinabibilangan ng kwento ko, pero bakit ba? Gusto ko pa rin mag blog. Natutuwa lang kasi ako, dahil sa wakas, naka-publish na ang anthology na pinaghirapan ng mga buting editors na sila Karl de Mesa at Joseph Nacino. Maraming salamat, kasi binigyan niyo ako ng pagkakataong makasama sa proyektong ito.

Eto na ang anthology na pinaghirapan ng marami. Iba’t ibang kwento, tungkol sa iba’t ibang uri demonyo at katatakutan. Anu-ano ba ang mga halimaw na huma-hanting sa inyo? Minsan may anyo, minsan alaala. Minsan totoo, minsan gawa-gawa lang.

Ninais ng mga editor na magbuo ng Anthology na magpapatunay na kaya ng Pinoy gumawa ng mga kwentong katatakutan na kayang makipag-sabayan sa pinaka-batikan at pinaka-magagaling na international writers.

Eto ang mga kwento. Sana magustuhan niyo lahat ng mga kwento. At sana, tulungan niyo kaming magpalaganap ng balita.

Pindutin ang link!

Demons of the New Year: Horror from the Philippines ||   at ang kwento ko, Lullabies

Enjoy lang! 😀

Stories to Haunt your 2010

At oo nga ano… Ingles yan. San ka pa? (Dumugo na naman ilong ko!)

(PS… Bisita din kayo sa Credits para makilala niyo yung mga iba pang writers, at nang makita niyo kung kanino na naman naka-alay ang kababalaghang ito.)

Para sa Pangarap

Nakita ko lang ito sa lumang blog ko. Naisip ko, i-post ko na din dito kasi gusto ko rin iparating sa mga may sanib na mambabasa ng blog na ito ang mensahe ng partikular na post na ito. Isa pa, ingles ang post na ito. Sayang naman diba, kung hindi ko i-repost.

Dumugo ilong ko dito, no.

Dahil minsan… namili ang Balahura. Ang pangarap na akala ko’y hindi ko na makakamit, at ang pangarap na ngayo’y pinangangalagaan at inaabot ko.

Here’s the deal.

We all know how much I wanted to go to Japan. It’s the first thought that comes to mind in the mornings, and the final thought that seeps into my dreams at night. We all know how hard I’m working my ass off right now, trying to make it through my MA, just to be able to get into the Japanese Embassy’s scholarship.

I have a goal, and I’m dishing out everything I’ve got, just to be able to reach it.

But one day, God looked at me and said, “Karren you have to know what you /really/ want to do with your life. You have to learn how to choose and decide for yourself. Here.”

And He gave me Star Cinema.

Continue reading