Matanga-Tanga

Eto’t fumi-fearless na naman ako dahil ine-expose ko ang sarili ko. Ito ang ilan sa mga naipon kong ‘Tanga Lang’ conversations. Mga tipong hindi ko alam kung san hinugot, kung sa ilong ba, o sa tainga o sa pwet.

Patangahan lang talaga eh…

Pero lahat ng ito ay hango sa mga aktwal na pangyayari.

—–

1. Sa bahay, bago umalis ang B:

B: B, may foot powder ka?
Ako: Ha? Wala eh.
B: Amp. Babae ka ba talaga?
Ako: (Isip muna, sabay silip sa loob ng t-shirt.) Oo.
B: (Natawa) Gagu.

2. Sa Phuket, habang kinakabitan ng parasailing gears si Ate Hasmyn:

Kuya (Nakita ang tyan ni Ate, gusto pang diinan ang harness): Madam? Baby? Baby?
Ate Hasmyn: Ah… no baby! No baby! Only food!

3. Koykoy, habang nagbabanlaw kami pagkatapos mag swimming:

Ako (Ino-obserbahan ang patunaw na Safeguard): Kulang pala yung baon nating sabon. Paubos na, o.
Koy: Isang beses lang akong nag-shampoo para dalawang beses akong makapagsabon.
Ako: Ano?
Koy: Eh, hindi naman ako mamamatay pag hindi ako nagshampoo. Kailangan ko magsabon.
Ako: HA?

4. Ako at si Mama, habang naglalakad sa Patong beach:

Ako: Ma, bumili ka na naman ba ng dry bag? Ano yan, collectibles?
Ma: De, iba naman to. Shoulder bag lang to. Yung iba naman kasi malalaki.
Ako: Yung dry bag ba yung ano… yung parang, kahit itapon mo sa dagat yung bag eh hindi mababasa yung gamit mo sa loob EVER?
Ma: Subukan natin. Lagay natin lahat ng telepono’t gadget mo sa bag, tapos tapon natin sa dagat ah.
Ako: Kain na tayo. San na ba yung Subway?

5. Ate Hasmyn, habang pabalik kami galing sa Phuket Fantasea; mga alas onse y media ng gabi:

Ako (Nakasilip sa bintana ng van, nakita ang dagat): High tide, o.
Hasmyn: Ha? Eh, diba ang high tide sa gabi lang?
Ako: Oo nga. Ano ba sabi ko?
Hasmyn: High tide.
Ako: O, gabi diba? High tide nga.
Hasmyn: Oo nga.

6. Sa kwarto, kasama si Miko; suot ko ang green na sando at maong shorts:

Ako: Ligo lang ako. Mabilis lang.
Miko: K.
(After 10 minutes, pasok ako sa kwarto, nagtu-tuwalya ng buhok)
Miko (nanlaki mata): Tapos ka na?
Ako: Oo.
Miko (Tumataas na boses): Tapos ka na maligo?! (Ang mukha niya parang ganito o.O )
Ako: Oo nga. (Ang mukha ko ganito -_-) (Ang tono ko parang ‘duh’)
Miko (tiningnan suot kong sando na green at maong shorts): Yan ulet suot mo?
Ako: Oo, eh kakasuot ko lang naman nito bago ka dumating eh.
Miko (super laki mata): BABAE KA BA?!?!

7. Sa text, magkakasunod-ipinadala, at wala man lang akong chance magreply:

B(Unang text, ginising ako ng alert): I love you!!!
B: Ay! April Fool’s Day pala ngayon!
B: Di na kita love!
B: Haha! Happy April Fool’s! Hihi!
Ako (may chance na) (Mainit ang ulo, ginising kasi): April Fool’s mo mukha mo! Gago!

8. Sa Viet Nam, habang namimili ng mga kwintas sa bangketa:

Mama: O, Karren ang ganda nito o. (Kumuha ng kwintas na may krus na pasabit).
Ako: Oo nga, Ma. Kunin mo na.
Mama: Eto pa, o. (Kumuha ng kwintas na parang dog tag na hindi ko maintindihan dahil may nakasampay pang Chinese character)
Ako: Oo nga, Ma. Kunin mo na.
Mama: Bilin ko na, hiraman tayo.
Ako: Oo nga, Ma. Sige, hiraman tayo. (Sabay nakakita ng na-tripang kwintas.) Mama, bilan mo ko nitong may bungo.
Mama: T*ngnamo, tumigil ka nga.

9. Sa luma naming bahay, inaalagaan namin ang bagong panganak kong kapatid na si Kihyan; 1992:

Bumahing ang sanggol ng dalawang magkasunod na beses.

Ako: Mama, bakit si Kihyan laging dalawang beses kung um-atching?
Mama (abala sa pag-alaga sa bigla kong umiyak na kapatid): Hmmm?
Ako: Bakit po si Kihyan laging dalawang beses pag uma-atching?
Mama (abala pa din, parang hindi nakikinig): Normal lang yun.
Ako: Ha? Normal yun?
Kihyan: (umiyak bigla, abala si Mama sa pagpa-tahan)
Ako: Mama, normal yun? Ako kasi isang beses lang um-atching eh. Ibig sabihin, Mama, abnormal ako?
Mama: Oo, oo. Wag ka magulo, umiiyak kapatid mo.

Tingin ko dito nagsimula ang paniniwalang abnormal ako. Nabitbit ko tuloy hanggang pagtanda.

Marami pang iba. Abangan.

Maikling Kwento (na wala yatang kwenta): Ang Pakikipagsapalaran ng (Wanna-be) Makatang si Kristina

Ang Pakikipagsapalaran ng (Wanna-be) Makatang si Kristina

Ni Karren Renz Seña

I. Balakin

Gusto ko sanang maging makata.

Yung tumula ba. Parang ang sarap kasing bumuo ng isang maikling talain na naglalaman ng isang buong mundo. Hindi man yung mundong sumasaklob sa buong sangkatauhan, at least, yung mundo para sa iyo, ayon sa sandaling iyon –

Yung sandaling gusto mong ibalot sa init ng palad mo, pagkatapos, itatago mo ito sa bulsa ng diwa mo, para maaari mo itong balik-balikan kailan mo man gustuhin. Ito yung sandaling nagmimistulang isang alitaptap na kay hirap huliin; unti-unting lumilipad papalayo sa iyo, magiging isang tuldok, hanggang sa tuluyan na itong mawawala sa iyong paningin. Gusto mong hulihin yung alitaptap, pero butas yung net mo. Ang naiwan lang sa iyo ay yung alaala ng munting liwanag.

At ang liwanag na ito ang mag-uudyok sa iyo na bumuo ng isang panibagong mundo.

Continue reading

For the 8th

Another attempt at poetry.

I didn’t want to put this in a different blog entry, but the people who have read it loved it, and wanted a copy of it.

The pages for my love story have ended. The words will not flow anymore for that person.  There would be no regrets, no bitter feelings. Not even anger, no more. I am free, and I am now at peace.

Still, the words that have been spilled before were words that other people could relate to. Words that other people could feel for. And so, the words I have once dedicated to that one person, no matter the fact that I gave them to him before, are now dedicated to everybody else.

What I have given, I cannot take back. But these words are mine still. And these words, I bequeath to everybody else.

Dedicated to lovers who long for ‘forever’. =)

———————

There is but one wish that dwelled in my heart tonight,
That I may live to see the days where eight months would turn to eight years,
And eight years
Would stretch to eight decades.
I want to see to it that the story written in eight pages
Would have enough words to reach eight chapters,
And that the eight chapters
Would continue on to eight volumes.
And, if by Fate’s command,
The days that I would draw breath
Would fail to reach eight decades,
If, by Destiny’s choice,
The ink would dry up
Without reaching eight volumes,
Keep in mind that the eight months
I shared with you are best months
Of my life.
And that even if I run out of days, or breath or ink,
Remember that my heart
Would beat for you
Always.
Even long after that eighth decade,
Long after you’ve turned the last page
Of the eighth volume
Of the story of our lives.

-For the 8th
Karren Renz Sena

Backtracks: Kontemplasyon ng Balahurang Estudyante sa Tapat ni Benavidez

Una.

Pinapaskil ko ang piyesang ito dahil BLOG ko ito at may karapatan akong ilagay dito ang anumang gusto ko. Kahit ba naka-post na ito sa dati pang blog ko.

Pangalawa. Pinapaskil ko ito dahil minsang dinala ako nito sa rurok ng tagumpay (naks), nang mabigyan ako ng parangal sa Ika-dalawampu’t isang USTetika Annual Awards for Literature. Mayabang ako. Bawal magyabang? Alis dito kung naiirita ka. Joke. Nagmamaldita lang po. 🙂

Pangatlo. Pinapaskil ko ito dahil ang piyesang ito ay inaalay ko sa mga estudyante ko ngayon. Eto ang mga repleksyon ng isang estudyanteng tulad ninyo. Papalabas na siya ng unibersidad, patapos na ang panahon ng pag-aaral. Nawa’y mapulutan niyo ito ng aral (hindi kalokohan), at sana’y matulungan kayo nito na mas mahalin at pahalagahan ang mga karanasan ninyo ngayon, bukas, at magpakailanman. 🙂 Joke.  Mga karanasan ninyo sa UST.

Enjoy, mga bagets.

——–

Kontemplasyon ng Balahurang Estudyante sa Tapat ni Benavides
Ni Karren Renz Seña
c2005

Bakit kaya sa tuwing nagkakaroon ako ng isang nakaka-baliw na araw bigla ko nalang makikita ang sarili ko sa tapat ng estatwa ni Benavides? Para bang dito ako dinadala ng mga paa ko, hindi man lang nalalaman ng isip ko. Para bang sinusundan lang ng pagod kong diwa ang halina ng musika na ginagawa ng paghampas ng hangin sa mga dahon, at ang pangakong yakap ng dilim at katahimikan sa aking windang na utak.

Nakaka-inis talaga. Wala nang pinagkaiba ang araw na ito sa lahat ng nagdaan. Parang tinitira ng buhawi ang buong mundo araw-araw, tinatangay ang lahat mula sa kani-kanilang mga magiginhawang buhay at siyang isasabak sa bagyong wala naman tayong kontrol. Bigla mo nalang matutuklasan na pagod na pagod ka na sa lahat ng kalokohan ng bawat araw.

Ayan. Kalokohan. Pati ba naman ang istatwa ng leon na nakabantay kay Benavides, niloloko pa. Bakit may bubble gum sa butas ng ilong ng isang leon na to? Pati ba naman dito umaabot pa ang kabulastugan ng mga estudyante? Kawawang leon. Tinapyasan ng dignidad, kahit wala naman siyang ginawang masama. Pati siya nadamay sa napaka-makasarili at walang-hiyang daloy ng buhay dito sa unibersidad.
Continue reading