Pailalimang Saksakan, Talikurang Bangasan, Walang Pakundangang Parinigan

Ang cute talaga ng social networking sites, kung minsan ano? Naturingan adik ako sa Facebook, at paminsan, Twitter, kaya kapag may libre akong oras (o kahit wala hahaha), magbababad ako dun.

Dati nung hindi pa ako titser at madami pa akong libreng oras, ugali kong magbasa ng mga post sa mga wall ng tao. Subukan niyo. Para kayong nagbabasa ng isang mahabang kwento. Alam niyo ba na masusubaybayan niyo ang mga pangyayari sa buhay ng isang tao sa pamamagitan lang ng wall niya? Meron ako noong sinubaybayang kaibigan. Hanep, parang telenobela lang. Hindi kami close, pero alam ko na halos kung anong nangyari sa lablayp niya dahil lang sa mga wall post niya.

Echosera lang?

Lahat tayo nagiging echosera’t usisera kasi nga naman, sa oras na pinaskil mo sa social networking site ang saloobin mo, sinasalang mo na ito sa publiko. Bukas na ito sa kahit na anong kritisismo, reaksyon, komento, likes, o kung anu-ano pa. Pinapaskil mo eh. Wag kang magreklamo ngayon kung biglang usisain ng tao ang buhay mo.

Ganun din sa pag-blog at pag-tweet. Sa sandaling pinaskil mo sa internet ang kwento’t mga saloobin mo, free for all na yan. Kung magthe-theorize tayo (ayan na lumalabas na ang pagiging Comparative Lit Major ko),  parang exhibitionism yan sa parte ng manunulat o ng nagtu-tweet, o ng nagpo-post sa FB. Voyeurism naman sa parte ng mga mambabasa. Teorya palang yan, pag-aaralan ko pa para sa grad school. HAHAHA.

Mabalik lang sa mga post at blog, ano. HAHAHA. Kung anu-anong mga reaksyon na makukuha niyan. Minsan puro papuri makukuha mo. Minsan ma-eelibs sa iyo mga tao  kasi ang tapang mong maglahad ng nasasaloobin mo. Kaya siguro madaming nagbabasa ng blog ko, kasi walang pakundangan ako kung maglahad ng nasasaloobin ko. Yan ang natutunan ko sa pag-aaral ng malikhaing pagsulat.

Lahat ng sinusulat mo, nanggagaling sa pinagsamang galing at talino ng parehong puso at utak mo. Ang pagsusulat kasi, parang pakikipag-usap yan. May gusto kang sabihin at ibahagi sa mga tao, kaya’t maglalakas-loob kang ilahad ang puso’t kaluluwa mo sa publiko, dahil baka isa o dalawa sa kanila’y makapulot ng konting aral dito.

Hindi madali ang magsulat. Hindi madali ang maging totoo sa sarili, at maging totoo sa mga tao. Para kang naghuhubad dahil nilalahad mo sa buong mundo’t kalawakan ang mga pinakatago-tago mong emosyon, saloobin, at ideya. Para kang naghihiwa ng sugat na matagal nang naghilom; kailangan mo itong paduguin to para tumugis ulit sa papel ang lahat ng alaala.

Minsan naman, may hindi sasang-ayon sa iyo. Nakakatuwa kung yung mga hindi sumasang-ayon ay maglalaan ng panahon para ibigay ang sarili nilang opinyon. Minsan sa comment dito magsusulat. Minsan sa wall ko sa fb. Minsan naman, diretso sa email ko. Magkakaroon ng diskusyon kung saan malaya ang mga tao na ilahad ang sarili nilang mga saloobin.

Yan eh kung matapang yung tao para tapatin ang mga manunulat.

Madako tayo sa tinatawag na… KALAYAAN.

May kalayaan ang tao na isulat ang lahat ng nasasaloobin nila. May kalayaan din ang tao na magkomento sa mga nababasa nila. May kalayaan ang tao na magkaroon ng negatibong reaksyon sa mga nakasulat. May kalayaan ang tao na sumagot sa kung anong paraan ang alam at kaya nila.

Walang paki-alaman. Magsusulat ako hangga’t gusto ko magsulat. Sumumpa ako noon na magiging matatag ako sa pagsusulat. Sumumpa ako na magiging totoo ako sa sarili ko sa bawat pag-lahad ng kamay ko sa keyboard, o sa bawat pagtugis ng bolpen ko sa mga notebook ko.

At kapag sinabihan akong tigilan ang pagsusulat at paglalahad ko, LALO LANG AKONG NANGANGATING MAGSULAT. KASI KAYA KO.

BECAUSE I CAN, sa Ingles. (Hayup, gumaganun!)

At kayo, malaya din kayong mag-react sa kung anong sinusulat ko. Kasi kaya niyo.

Madako tayo sa isa pang napaka-sikat na aktibidades sa mga social networking sites. Parinigan.

Katuwa mga tao minsan ano. Post ng post ng mga parinig. Minsan maloloka nalang ako eh, puro na parinigan sa news feed ko. Parang, ‘Ay. Nasan na ang world peace na tinatawag?’ Miss Congeniality lang? Adik diba.

Bakit nga ba nagpaparinig? May pinapatamaan ka ba? Gusto mo bang marinig yan ng tinatarget mo? O gusto mo lang din maglabas ng nasasaloobin pero ayaw mong iparating sa taong gusto mong paringgan kasi WAR ITO SHET, kaya ibubuhos mo nalang sa pader o sa blog mo? Kahit sa totoong buhay eh… minsan nag-aadik mga tao, idadaan nalang sa parinig at talikurang pambabargas ang lahat ng gustong iparating.

Bakit kaya hindi mo kayang puntahan yung tao tapos sabihin ng harapan sa kanya mga gusto mong sabihin?

Duwag ka?

Hindi mo kasi masasabing ‘wala kang panahon’ para mangompronta eh. Kung may panahon kang magparinig, tiyak may panahon ka para sabihin ng harapan ang kung anong gusto mong sabihin.

Nagtataka lang ako talaga. Major major confused ako sa logic ng mga taong mahilig magparinig, kasi ako, diretso akong tao eh. Kung may problema ako sa iyo, sasabihin ko sa iyo ng diretso, para mapag-usapan natin.

Kung gusto kong makipag-away sa iyo, aawayin kita ng harapan. Warfreak lang? Hinde. Tapat lang. Kung warfreak ang tawag niyo sa taong pranka sa lahat ng gustong sabihin, at tapat sa nararamdaman– galit man ito, o tuwa, o lungkot, o kung ano pa– eh di sige. Warfreak na.

Sus.

Ilang tao lang sa mundo ang kaya ng ganun? Hindi ko kayo inaaway ha, nagtataka lang talaga ako kasi medyo pointless ang pagpaparinig. Self-exression din ba? O sige na nga. Sa ibang kaso, oo. Baka nga gusto lang din maglabas ng ibang tao ng mga nasasaloobin nila, pero ayaw nilang makarating sa target.

Eh bakit nagparinig ka pa?

Ako na… ang confused.

At isa pa. Kung halimbawang nakita mong may nagpaparinig sa iyo at nambabargas sa iyo ng patalikod gamit ang mga twitter at fb account nila, ano gagawin mo?

Gaganti ka ba gamit ang sarili mong pader at tweet-tweets? Babargasin mo din siya, kahit alam mong 50-50 lang ang tsansang mababasa niya yun. At pag nabasa niya yun, aba’y gaganti din siya. Parinigan nalang.

What a very adult and professional activity. Very enlightening.

Kaloka.

Meron akong nakita na page sa FB noon, parang, ‘Parinig ka ng parinig sa wall mo, hindi mo naman kayang harapin! Wall to wall nalang, o!’

Siyempre, nag-like ako.

Ayan na naman tayo sa usaping ‘gantihan’ at ‘pagpatol’. Kaya hindi natatapos lahat ng away at giyera sa mundo eh. Puro patulan ang nagaganap. Ang hirap kasing mambato ng tinapay, eh binato ka ng bato. Sinong sintu-sinto gagawa niyan? Sinampal ka na sa kanang pisngi, ibibigay mo pa kaliwa mo? Adik ka?

Pinaringgan ka na’t binargas-bargas ng patalikod, hindi ka pa papatol? Ano ka, santa? Ako pa man din, napakahilig kong pumatol. Hindi ako marunong magpatalo eh. Kapag pinaringgan ako, susugurin ko’t titirahin ko yung taong yun ng harapan– sa harap ng maraming tao para may eksesna. Kapag inaway ako ng patalikod, mangaaway ako ng diretsahan. Kapag tinaasan ako ng boses, kukulu ang dugo ko, aabot sa penthouse ang presyon ko, at mas tataasan ko din ang boses ko. Away to.

Kapag binato ako ng bato, babatuhin ko ng isang bloke ng semento.

Kapag binuhusan ako ng tubig, bubuhusan ko din siya ng tubig. Yung kumukulo pa.

Warfreak talaga. Yun nga lang, ako, harapan.

Kaya lang, kahit gaano ako ka-warfreak, pwede din naman akong kausapin ng matino. Minsan, kahit na gustong-gusto ko nang patayin yung tao, kapag hinarap ako ng maayos, haharapin ko parin ng maayos. Tragic flaw ko yan eh. Ang bilis kong magpatawad. Kahit na binargas-bargas na ako, tae, isang sorry lang o kaya isang maayos  na approach lang, wala na. Wala na ang rage. Loser lang. Asar.

Sabi ng iba, maganda daw yung ganung ugali. Mabilis kausap, kahit galit na. Pero sabi ko, hindi rin. Kasi minsan inaabuso ng mga tao yung ganun kong ugali eh. Tsaka wala tuloy akong chance na maging warfreak. Tsk.

Ang hirap ng hindi pumatol. Sarap kasi minsan ilabas ang lahat ng galit, ang sarap makipag-warlahan. Ang sarap din pumatol sa parinigan. Pero kasi napapaisip din ako, ano. Nagsusulat ako dito. At totoo ako sa lahat ng sinasabi ko, lalo na sa sarili ko. Nagpapakabalahura ako sa harap ng mga mambabasa ko, kasi eto ako eh. Pero iba ang pagiging totoo… sa pagpapakita ng maling halimbawa.

Lalo pa’t may mga kids na nagbabasa dito (I love you, kiddos! HAHAHA). Lalo pa’t ang propesyon ko ay medyo hebigatin. Titser ba.

May mga panahong gusto kong gumanti’t bumaba sa lebel ng ibang tao. Pag writer ka kasi, medyo makakakita ka ng mga hindi lang negatibong komento… yung talagang pambabangas na. Tapos hindi pa sa iyo ididiretso. Magtu-tweet lang ng kung anu-anong pambabangas, ni hindi naman alam kung ano ang buong kwento. Ni hindi alam kung ano totoong nangyayari.

Pag ganun, kasarap lang pumatol. Kung sa bangasan lang, expert ako dyan. Pwede kasing pabangas din, pa-balahura, at parinig din. Pero napapaisip ako. Importante kasi sa akin yung propesyon ko at yung posisyon ko bilang guro. Seryoso ako sa trabaho ko.

Higit pa sa English, Technical Writing, At Humanities (paminsan Creative Writing at Literature… yabang lang?!) ang kailangan kong ituro sa kanila. Kailangan ko silang gabayan na gumawa ng tama. Kailangan ko silang alalaayan hanggang sa pag-lakad nila papalabas ng Arc of the Centuries. Kailangan ko silang ihanda para sa buhay sa labas ng unibersidad.

Minsan, napapaisip ako kung kaya ko ba. Pero kasi binigay sa akin tong pribilehiyo at karangalan na maging guro nila eh. Kaya sinusubukan ko talaga.

Minsan, may mga gusto na akong gawin na tipong gusto ko nang ilabas yung mga kinubra kong sungay. Pero nandyan ang mga bata. Nandyan sila, nakamanman sa lahat ng kilos at salita ko.

Sa mata ng bata, ang lahat ng ginagawa ng matanda ay tama.

Kaya nagsusumikap din akong mas mabuting tao, para sa mga estudyante ko. Mga anghel sila na pinadala ng langit para putulin ang sungay ko’t bawasan ang pagiging maldita ko. Sa totoo lang, hindi ko lubos mapakita sa kanila kung gaano sila kaimportante sa akin, at kung gaano ko sila kamahal. Hindi ko lubos maipakita yung pasasalamat ko sa lubos-lubos na pagmamahal na binibigay nila sa akin.

Hindi dumadaan ang araw na hindi nila ako hinaharang sa tuwing magkakasalubong kami. Kailangan talaga, magchikahan kami kahit sandali. Hindi dumadaan ang araw na hindi sila babati, o ngingiti, o yayakap. Libre ang yakap at pagmamahal kapag titser ka. Iba ang amats, kapag may humigit-kumulang 450 na bata na nagmamahal sa iyo.

Oo, may iba dyang bata na binabangas din ako patalikod. Hindi maiiwasan yan, lalo na’t minsan eh lumalabas ang pagkamaldita ko sa klase (kapag medyo maingay na sila). At isa pa, sinong teacher ang hindi inalyasan at binangas ng mga bata? Pero sa dalawa o tatlo na nambabangas sa akin, ano ba naman sila, eh ilang daan naman ang nagmamahal?

Gayunpaman, mahal na mahal ko silang lahat. Yes, kahit yung mga nambabangas.

Kaya ayan. Nagpapakabait tuloy ako, kahit na kagabi, umabot sa stratosphere ang presyon at urat ko nang mabalitaan kong binabargas na naman ako ng patalikod ng ilang taong hindi ko alam kung bakit hindi ako kayang harapin. At mangyari lang na ang nagsumbong at nag-report sa akin na may ganitong anumalya, ay yung kuya na mismong dahilan kung bakit ako binabangas ng isang anonymous na ate.

Imbes na pumatol at magparinig, naghanap nalang ako ng ibang paraan para tugunan ang sitwasyong ito. Eto ang isa sa mga alam kong paraan. Pagsusulat. Baka may madampot pa kayong aral dito, ewan ko lang. Isang malaking feeling lang naman paminsan eh. HAHAHA APIR TAYO MGA TSONG.

Makapangyarihan talaga ang salita. Naisulat man, o nasabi, kapag binato mo to, habambuhay na yang tatatak. Ako bilang manunulat, dito sa blog nilalahad ang saloobin. Tapat ako sa mga mambabasa ko, kaya siguro ang daming sumusubaybay dito.

(MARAMING SALAMAT I LOVE YOU ALL PWERA BIRO SALAMAT TALAGA MWAH. Ay. Artista lang?)

Lahat tayo, may kalayaang mag-bitaw ng salita. Sa kasawiang-palad, ang kalayaan na yan ang nagbibigay din sa atin ng paraan na maging backstabber at duwag, kasi malaya din tayong mambangas ng hindi alam ng ibang tao.

Subukan niyo nga minsan. Kung may gusto kayong sabihin, idiretso mo sa taong gusto mong pagsabihan. Try niyo. Kaya niyo ba?

Siya. Sige na nga. Give peace a chance. High road tayo.

(PS… Kids, sorry absent si Ma’am. Nabinat eh, pano naulanan ng ilang araw. T__T Ahmishu kiddos.)

Tula ng Pag-ibig: Basag

Paano mo bubuuhin ang
Nawasak kong puso?
Paano mo pupulutin
Ang bawat piraso,
Kung nakasaboy ito sa lupa
Na parang bubog ng nabasag
Na salamin?

Dadamputin mo ba ang
Ang bawat matalim na bubog,
Kahit alam mong maaari ka ding
Masugatan?
Ididikit mo ba ang bawat piraso
Kahit alam mong maaaring
Matagal
Bago mo ito mabuo ulit?
Handa ka bang mabubog
Habang isa-isa mong
Pinupulot at dinidikit
Ang bawat dumudugong butil?

Kung sa dulo ng mahaba
At matagal na pagbubuo,
Ay nagawa mong buuhin ang
Basag kong puso,
Paano mo ulit ito bubuhayin?
Paano mo muling bubuksan
Ang mga ugat na matagal nang
Nabarahan ng galit at duda?
Paano mo papadaluyin ang dugo
Para muli itong mabuhay
At tumibok
Para sa iyo?

Kung sa dulo ay nagawa mong
Buhayin at patibukin ang
Namatay kong puso,
Paano mo mapanatiling buo ito?
Paano mo mapapanatiling
Malinis ang mga ugat?
Paano mo mapapanatiling
Umaagos ang dugo?
Paano mo mapapanatiling
Tumitibok pa ito?

Kung sa dulo ay nagawa mong
Panatilihing buhay ang
Muling napatibok kong puso,
Wari din lang na bigyan kita
Ng gantimpala:
Na ikaw na ang magmamay-ari nito
Haggang sa huli kong hininga;
Na ang pangalan mo ang
Natatanging isisigaw nito
Mula pagsikat ng araw
Hanggang paglubog ng buwan;
At ang pangako
Na ang bawat pintig,
At bawat tibok nito’y
Para sa iyo lamang,
Magpasawalang-hanggan.

-Para sa Susunod

Para sa Susunod, with Love

Sa aking minamahal,

Law of attraction itech, wag kang epal. Oo, ikaw. Ikaw na malapit nang dumating, gabay ni Manong para magbigay-kulay at kahulugan sa buhay ko. Oo, ang mga estudyante ko ang nagbibigay-kahulugan sa buhay ko ngayon, pero alam mo na ibig sabihin nun. Ang tagal mo, ah. Tatanga-tanga ka siguro, ano. Naliligaw ka ba? Pwede bang makinig ka kasi sa mga bulong ni Manong, para hindi ka naman nade-delay. Pero sige lang… humanda-handa ka lang. Tatadtarin natin ang isa’t isa ng pagmamahal.

Ay paksyet ang keso teka nangingilo ngipin ko nauutot yata ako.

Pwede bang mag-request? Pwede bang mala-Jacob Black ang hotness mo? Mainam na kasi yung masarap sa mata yung laging nakikita, diba? Hayaan mo’t magpapaganda din ako (weh, utot).

Huy, galingan mo, ha. Gusto ko yung pag-dating mo, WITH A BANG! Yung makalaglag-underwear ba. Gusto ko din na maging honest at sincere ka. Gusto ko, loyal ka. Gusto ko, ikaw din yung tipo ng tao na naghahanap ng ‘Thiz iz really iz it!’ mo, tapos ako yun. Mala Rei Kashino ng ‘Mars’ na tipong sobrang gwapo at babaero noon, pero pag nakilala na ang ‘The One’ eh nuknukan ng loyal at lalim kung magmahal. O kaya ano.. Doumyouji Tsukasa ng ‘Hana Yori Dango’. Eh sa totoo lang, Doumyouji Tsukasa talaga ang tipo ko eh. As in. Super. Hahaha. Gwapo, mayaman, malakas ang dating. Higit sa lahat, tapat sa minamahal.

Gusto ko, ako naman yung malalaglag yung puso sa sobrang kilig. Gusto ko, ikaw naman yung mag-iisip ng isang libong paraan kung paano ipapakita at ipaparamdam sa akin na mahal mo ako at importante ako. Gusto ko, magbibigay ka ng bulaklak sa ordinaryong araw; tipong ipapa-deliver mo pa sa Faculty Room ng AMV. Walang okasyon, pero palaging may mga maliliit na bagay- kahit sulat lang o note, o maikling kiber sa scratch paper- basta nagpapahiwatig kung gaano mo ako kamahal. Gusto ko, ako naman ang papakiligin. Yung bonggang-bonggang pakiligan. Gusto ko, ako naman yung mamahalin ng sobra-sobra. Gusto ko ako naman yung malulunod sa pagmamahal, pero malaya pa rin ako.

May tiwala ka sa akin. Malaya akong kumilos at maging totoo sa sarili ko, at gayun din ang kalayaan na ibibigay ko sa iyo. Malaya tayong maging magka-ibang tao, pero iisa ang tibok ng puso natin. Malaya tayong gawin ang mga bagay na makakapag-pasaya sa mga sarili natin, pero hindi natin sasagasaan ang isa’t isa. Susuportahan natin ang trip ng isa’t isa. Kung gusto kong tumalon sa bangin, tatalon ka kasama ko. Kung gusto mong kumain ng palaka, kakain ako kasama mo. Kung gusto mong manahimik at mag-isip, mananahimik tayo’t mag-iisip- magkasama man o magkahiwalay. Kung gusto kong pumunta ng tagaytay para mag-zipline, isasakay mo ako sa kotse mo’t magzi-zipline tayo, kahit na may pasok tayo pareho kinabukasan. Kung gusto mong uminom kasama mga kaibigan mo, ngingiti ako, sasabihan kang wag mag basag ng bote sa ulo ng may ulo, at sasabihan ka ng ‘have fun!’. Kung gusto kong pumunta sa Manila Bay at manahimik sa harap ng dagat para pakinggan ang hampas ng alon sa batuhan, sasamahan mo ako para dalawa tayong manonood ng sunset, o di kaya’y bubuo ng pangarap sa harap ng kalikasan.

May oras ka para sa sarili mo, at may oras ako para sa sarili ko. May oras tayo para sa isa’t isa. May sarili kang utak at opinyon, at may sarili din ako. Mag-uusap tayo at magsasalo ng kanya-kanya nating kuro-kuro sa buhay-buhay. Minsan, hindi tayo sasang-ayon sa isa’t isa, at siguro kapag ganun, mag-aaway tayo’t gugustuhin kong basagin ang mukha mo sa salamin, pero gayunpaman, sa huli, magbabati tayo kasi nire-respeto natin ang opinyon at paniniwala ng isa’t isa.

Ipaparamdam mo sa akin kung paano ang magkaroon ng sarili kong superhero. Lagi nalang kasing ako ang hero, ako ang nagliligtas, ako ang tumutulong, ako ang sasalo, ako ang magdadala. Oo, itutuloy ko pa rin ang pagiging superhero ng lahat ng mahal ko. Pero ikaw… ikaw ang superhero ko.

Sa tuwing malungkot ka, papatawanin kita. Kapag pakiramdam mo inaabandona ka na ng mundo, hahawakan ko ang kamay mo at ipaparamdam ko sa iyo na nandito lang ako sa tabi mo. Karamay at kaakibat mo sa lahat ng bagay. Kapag pinipigilan ko ang luha ko, babatukan mo ko, yayakapin mo ako, at sasabihin mo sa akin na hindi sa lahat ng oras ay kailangan kong maging malakas. Sasabihin mo sa akin na minsan, ayos lang kahit maging mahina ako. Ok lang kahit umiyak ako. Hindi ka magagalit kapag nabasa ng luha at sipon ang damit mo, basta yayakapin mo lang ako kahit na alam mong ayokong niyayakap ako pag umiiyak ako kasi lalo akong naiiyak. Kapag mainit ang ulo ko, gagawa ka ng ishtooopid na bagay para matawa ako. Maiintindihan mo na paminsan, sadyang bipolar lang ako’t mainitin ang ulo ko. Tatapatan mo din ang sarcasm ko ng sarili mong brand ng sarcasm. Lagi tayong magtatablahan, para masaya. Winner. Hindi tayo maguusap ng matino, laging pabalang, kasi FUN.

May sarili akong kaibigan. Meron ka din. Pero gayunpaman, marunong tayo pareho makisama. Kung halimbawa dadalin mo ako sa club o bar, ok lang sa akin, kasi nandyan ka lang lagi sa tabi ko. Kung halimbawa naman dadalin kita sa yaoi convention, ok lang din sa iyo, basta’t may blindfold ka para hindi mo makikita ang mga litrato ng dalawang lalakeng nagbebembangan, at alam mo naman na gabay kita. Dadalin mo ako sa Enchanted Kingdom at maglalaro tayo doon na parang dalawang bata. Dadalin kita sa Anilao, at magiiscuba diving tayo doon, para maipakita ko sa iyo ang kakaibang mundo. Ang mundo sa ilalim ng dagat. Magpupunta tayo sa Star City, sa Boom na Boom, sa Museong Pambata, at sa Ocean Park. Mag-eenjoy tayo, kasi lagi tayong magkasama.

Tayo ang Number at Only One ng isa’t isa. Lagi tayong magte-text. Globe ka, kasi Globe ako’t nakalinya ako ng SuperUnli. Kung sakaling iba ang network mo, bibili ka ng Globe na sim, at magsu-subscribe sa My SuperPlans ng Globe para unli din ang chikahan at biruan natin. Gusto ko sa tuwing umaga, ang una kong gagawin ay batiin ka ng ‘Good morning!’. Magiging good din ang morning ko kasi ang una kong mababasa ay text mo. Gusto ko ikaw din ang huli kong kausap bago ako matulog sa gabi, para sweet ang dreams. (shet ang keso naman nakanampoots lang eh). Iiwan ko ang cellphone ko lagi sa Faculty Room, pero pag break ko, makikita ko na nuknuuuukang dami mong text na iniwan sa telepono ko, lahat ma-keso, at lahat mapapangiti ako. Tipong mga nakakangilong message na parang pag nabasa ko eh gugustuhin kong basagin yung telepono ko kasi syet ang korni mo pero nakakatuwa kasi nakakakilig.

Ipapakilala mo ako sa pamilya mo, at aampunin nila ako. Ikaw naman, magiging tambay dito sa bahay, na tipong uutus-utusan ka na din ng nanay ko. Ipapakilala ko sa iyo ang minamahal kong mga estudyante, at ikaw ang magiging ‘Papa’ nila. Isasali mo ako sa retarded mong barkada, at ikaw din, ipapasok ko sa sintu-sinto kong barkada (since 12!).

Magiging mag best friend tayo. Susuportahan natin ang isa’t isa sa lahat ng oras. Papangalagaan ko ang pangarap mo, at bubuhayin mo ang akin. Maku-kwento natin ang lahat sa isa’t isa. Prangka tayo magsalita, at wala halos tinatago. Lahat, pwede nating pagkwentuhan at pagkabiruan. Ikaw ang tatayo na natitirang kalahati ng buhay ko (yung kalahati kasi si Buddy). Ako ang soul mate mo. Parang mag-barkada lang tayo. Magkaibigan tayo higit sa lahat, pero ang pagkakaibigan na ito ay papatungan ng matinding kilig, at malalim na pagmamahalan. Light lang, masaya, pero malalim ang samahan.

Kahit na parang lagi tayong magkasama, magkakaroon tayo ng panahon para sa sarili natin. Buo tayo kahit magkahiwalay, pero powerful tayo pag pinagsama. Walang tatalo sa tandem natin. Tayo ang magiging proof na kahit na ni-leche tayo ng pag-ibig noon, pwede parin bumangon, basta’t nakilala at tinanggap na ang ‘The One’.

Gusto ko, pag tanda natin, magkatabi tayong uupo sa rocking chair sa harap ng dagat. Sabay tayong manonood ng sunset, tapos magkahawak ang kamay natin, tapos magre-reminisce tayo tungkol sa mga taong nagdaan. Gusto ko pag tanda natin, cool pa rin tayo. Lagi pa rin tayong magbabangasan ng pabiro, at lagi parin natin papatawanin ang isa’t isa. Pag may rayuma ako, kukuhanan mo ako ng kumot tapos itatalukbong sa giniginaw kong mga hita’t binti. Pag ikaw naman nawalan ng ngipin, lagi kitang lulutuan ng mashed potato, mashed carrots, mashed corn, mashed corned beef, mashed sardinas, mashed corned tuna, mashed ma-ling, at lahat ng pwedeng i-mash. Gusto ko, may sarili tayong forever. Mga singsing sa sobrang kupas na, dahil sa tagal ng panahon. Gayunpaman, kahit wala na ang kinang, ok lang. Alam kasi natin na madaming pinagdaanan ang singsing. Parang tayong dalawa lang.

Alam ko na kung bakit sa kabila ng lahat ng binigay ko, sakripisyo ko, lahat ng pakulo na naisip ko para magpa-kilig, at sa kabila ng lahat ng pagmamahal na inalay ko, kinuha parin siya sa akin ng tadhana at langit. Alam ko na kung bakit nagkahiwalay kami. Mali kasi kami. Mali kasi siya para sa akin. Kulang-kulang siya, at sobra-sobra ako. Hindi patas. Hindi pwedeng ako ang magpuno sa kanya. Mali yun. Dapat pag nagkasama ang dalawang tao, parehong puno, parehong buo. Hindi pwedeng hindi patas, kaya mali kami para sa isa’t isa. Ikaw kasi ang para sa akin. Ikaw ang tama. Ikaw ang ‘The One’.

Super makapangyarihan si Manong. Siya ang magdadala sa iyo sa akin. Hindi na ako bibili, ha. Ikaw naman ang bibili sa akin. Basta, alagaan mo ako, kasi ako, alam ko na kung paano ako magmahal at mag-alaga. Mamahalin din kita ng sobra-sobra, para patas tayo.

Alam mo, sinira ng ungas yung puso ko, pero pinipili ko na buuhin ito, para sa iyo. Gusto ko diba, maayos ako pag nagkita tayo. Kasi ikaw din, siguro kaya ang tagal mo kasi tanga ka joke kasi inaayos mo pa din yung sarili jmo. Basta, tara. Punta ka na dito. Bilin mo na ‘ko. Magkita na tayo. Basta pag binulungan ka ni Bro, sunod ka lang ha. Ako, nandito, nag-eenjoy sa tabi ni Manong. Nangte-terrorize ako ng mga customer bago ko sila tulungan.

Excited na akong makilala at makasama ka.

Excited na akong simulan ang bagong kwento ko na ikaw ang kasama ko.

Ang kwentong ito, alam ko, ito na ang pinakamaganda, at pinakamalupit na love story ever ever forever and ever.

Para masabi na natin sa wakas, na ‘we lived happily ever after’.

~Kristina

Dahil Matanda Ka Na…

Kaninang umaga, nakasabay ko sa jeep ang isang cute na cute na bata at ang kanyang hindi masyadong cute na I dunno whut yaya ba, o lola, o tita, o kung sino man matanda. Siguro yung bata mga, kinder yata, tapos yung kasama niya parang mga nasa late 40’s to 50’s na. Kung mas bata pa siya sa hula ko, sorry nalang.

Tawagin nalang natin silang ‘Si Neneng at si Bantay’. Kitang-kita ang respeto ko sa matanda, ano?

Kumakain si Neneng ng Chips Delight, tapos paunti-unti sinusubuan din siya ng kasama niya. Paminsan pansin ko pumupuslit din si Bantay, kasi susubo din siya ng pakonti-konti kapag hindi nakatingin si Neneng.

Nung matapos silang kumain, aba, lintek lang. Biglang tinapon lang ni Bantay yun balat ng Chips Delight sa sahig ng jeep.

Naimbyerna ako. Bakit ba napaka-walanghiya ng ibang tao dito sa mundo?Simpleng basura nalang eh, punyemas lang, hindi ba pwedeng itago mo muna yan sa limpak limpak na bag na dala mo.

Nakakainis. Gagawa ng anumalya ang mga tao, tapos magrereklamo at matatakot dahil nasisira na ang Earth. Gagu lang. Kung ganyan lahat ng tao sa mundo, eh talagang hanggang 2012 nalang nga tayo. Sarap sampalin.

Hindi naman talaga ako bastos sa matatanda. Sa totoo lang, matindi ang paggalang ko sa kanila. Pero kung ganyang kabastos-bastos ang ginagawa, eh sorry po, hindi po kita kayang galangin.

Tinititigan ko siya ng masama. Aba’y hindi nakakaramdam. Nag-ayos pa ng gamit na tipong parang bababa na siya. Gusto ko sanang magbulag-bulagan kasi ayokong magmukhang pakialamera. Ayoko sanang mag-react, kasi simpleng bagay lang yan.

Pero hinde. Yung mga simpleng bagay na yan, pag pinagpatong patong mo’t pinalampas mo, malaking bagay din yan sa huli. Karakter nalang eh. At yung epekto ng basura sa kapaligiran.

Nasa harap ko siya nakaupo. Ang ginawa ko, talagang dumukwang pa ako para damputin yung bwakananginang basura niya. Tapos malakas yung boses ko, sabi ko dun sa kahelera kong kuya,

“Kuya, paki-tapon naman po ‘to sa basurahan o. Makiki-abot lang po.”

Yung pang talagang matigas at nagmamalditang tono ang ginamit ko, at ang kilay ko, umabot na yata ng hairline. Maraming salamat kay Kuya, sa pag-abot ng basura, at paglagay nito sa tamang lalagyanan.

Tiningnan ako ni Bantay, at tiningnan ko din siya ng masama. Parang, “Ano, ha? Ano ka ngayon, ha?”

Naglalaro at paismayl ismayl lang si Neneng. Hindi niya alam na kinakanti ko na ang kasama niya. Hindi ako nagsalita, kahit na gusto ko siyang pagsabihan. Sapat na siguro yung ginawa ko para ipamukha sa kanya na isang malaking KAHIHIYAN at PAGKAKAMALI ang ginawa niya. May kasama siyang bata. Ano nalang ang magiging ugali at pamamaraan ng batang yun pag tanda niya.

Hindi na ako magtataka kung balang araw gagawin din ni Neneng ang ginawa ni Bantay.

Asar lang eh.

Pwede ba. Maldita na kung maldita. Mataray na kung mataray. Pero kasi, hindi ko din naman yata kayang pabayaan yung mga ganyang bagay, kung alam ko namang may magagawa ako.

Nung bata ako, lagi kong naririnig sa TV ang isang kasabihang hindi ko na nakalimutan.

Sa mata ng bata, ang ginagawa ng matatanda ay tama.

To Manong, With Love

Dear Manong,

Yo!

Hindi na po ako makakapunta muna dyan, kasi nag-eemo po ako dito sa may Manila Bay. Joke. Ang totoo niyan, ayoko muna magpakita sa iyo, kasi medyo napapadalas na ang pagpunta ko dyan eh. Magpapa-miss po muna ako, ha? Ayoko kasi na lagi akong nandyan eh. Baka mamihasa ako, at isa pa, nauubos ang resources ko. Kasi naman po, kada punta ko diyan, e, may gusto akong bilhin. Eh hindi naman ako pwedeng bumili nang hindi nagbabayad.

Yumayaman tindahan mo sa akin, e. Ha. Ano, ha.

Joke lang, Manong. Bawal pikon.

Manong, malapit na po ako bumalik dyan, pero sa ngayon, eto munang sulat na ito. Ituring niyo nalang to na ‘After-Sales’ deliberation. Comments and suggestions ba. O, wag ka, Manong! The customer is always right! (But Manong is always righter… T__T)

Fine. Alam ko na ikaw ang naturingang kapitalistang laging tama. Pero kahit pa. May opinyon ako. Sasabihin ko. Para namang hindi mo ako kilala. Eto na.

Hindi na po kasi ako suma-sang ayon sa ‘No Return, No Exchange’ policy. Manong kasi, paano po kung halimbawa, ginawa mo na ang lahat, pero balewala parin ang merchandise? Tumambling ka na, nag-eggroll ka na, nag jumpin’ jack ka na ng paulit-ulit, at binili mo na ang lahat ng pwedeng bilhin para maayos ang kung anumang sira ng merchandise, pero nauwi sa wala ang lahat. Paano yun, Manong? Kakapit ka pa rin ba sa isang bagay na matagal ka nang pinakawalan at binale-wala?

Hindi na, diba.

Naalala mo, Manong, nung pumunta ako dyan para bumili ng himala? Sabi mo diba, nakakapagod pag ako lahat ang gumawa? Manong, ginawa ko lahat. Kinaya ko kahit ano. Pinaglaban at pinangalagaan ko ang pag-ibig. Pero Manong, nakanampu…–sorry. No bad words nga pala.

Pero Manong naman, hindi ko naman akalain na napakalaki ng damage sa puso at utak nung binili ko. Nung po bang mina-manufacture niyo siya, sinikipan niyo ba ang turnilyo? Ang luwag eh. Sira-sira pala siya, eh. Hindi ko kinayang ayusin. At hindi din niya kinayang ayusin ang sarili niya. Kaya Manong, binalik ko siya dyan noon, para i-repair mo. Diba, sabi mo din po noon na walang balikan, pero may lifetime warranty? Naniwala po ako dun. Nagtiwala po ako sa inyo, at kumapit ako sa pangako na nakasulat sa karton na nagsasabing lahat ay pwedeng maayos, basta manalig lang sa powers mo. Ginamit ko yung warranty, Manong. Pinaayos ko dyan. Binalik ko po sa inyo para ayusin niyo.

Pero anong nangyari?

Manong, hindi pa nga po ayos, pero may ibang dumampot. Kung sinong saleslady man ang nagpabaya’t nag-iwan sa kanya kung saan-saan, pwede bang pakipagalitan naman? Kasi pinamigay ang akin e. Alam mo po ba Manong kung anong naramdaman ko nung binalita mo sa akin na iba na ang may-ari sa binili kong pag-ibig?

Alam mo po ba kung ano ang pakiramdam ko noong may messenger na nagsabi sa akin na, “Sorry, Kristina. May iba kasing nakakuha ng merchandise.”?

Manong, tingin ko mas ok pa kung ginilitan mo nalang ako ng leeg tapos pinakain sa nag-uulol na pating eh. Mas kakayanin ko pa kung sinaksak mo ko ng patalim sa sikmura, eh. Mas ok pa yatang tinapyasan mo ako ng balat sa anit at batok, eh.

Mas ok pa yun, kaysa naman sa yung unti-unti kong nararamdamang nadudurog ang puso ko. Mas ok pa Manong na binaril mo ako sa panga, kaysa naman yung unti-unti kong nararamdamang tinatapakan yung pride ko’t nabibitak ng lamat ang pagkatao ko.

Manong, ang sakit lang.

Ako ang bumili. Ako ang nag-alaga. Ako ang nagbuhos ng matinding pagmamahal at dedikasyon. Ako din ang nagbayad ng pagkalaki-laki. Pero Manong, ano ba naman po yan.

Iba ang kumuha.

Iba ang nakinabang.

Kung hindi ba naman nakaka-leche ang buhay. Shit lang, diba.

Ay. Sorry po.

Pero kasi Manong, masakit po eh. Ang daya niyo naman. Bakit niyo hinayaan na may umagaw habang nakatalikod ako? Alam mo po ba kung ano ang nangyari noon, Manong?

Dumating ang messenger mo. Umaasa akong ide-deliver na ang goods ng buo at maayos na. Pero imbes na ang goods ang dineliver, isang masamang balita pala ang bitbit. At Manong, ikaw po, higit sa lahat ang nakakaalam kung paano ko pinaglaban at pinagtanggol ang akin. Alam mo kung ano ang binuhos ko para lang mapangalagaan ang sinabi mong alagaan ko.

Pero Manong, kung ang mismong binili kong goods eh kumapit na sa kung sinong damuho ang nagnakaw sa kanya… eh naman. Hindi po ako para makipag-agawan.

Ikaw din po kasi, higit sa lahat, ang nakakaalam na hindi kailanman pwedeng diktahan ang puso.

At ang puso at pag-ibig na minsan ako ang nagmay-ari, walang pakundangang kumapit sa iba.

Kung hindi ba naman shit ang lahat. Ang daya lang. Pero sige. Matutong magparaya. Matutong magpatawad. Ginawa ko din yun. Pero kung yung pagpapatawad na ginawa ko ay inabuso, tulad ng pag-abuso sa pagmamahal na binigay ko noon… ah eh ibang usapan na yan, Manong.

Paulit-ulit Manong. Maysademonyo po talaga yang merchandise na yan. Sinubukan kong i-exorcise ang sanib, pero hindi ko nagawa. Sinubukan kong tanggapin, kahit bilang kaibigan, pero Manong, malaki talaga ang sira nya. Tuloy-tuloy parin ang pananakit.

Manong, sinabi ko noon na hindi na masakit. Na ok na po ako. Nagawa kong tumawa, makipagtawanan, at tingnan ang mabubuting biyaya na pumalit sa lintek na nawala. Pero Manong, may damage po ako, eh. Nasira din po ako. Nawasak din po ako, kaya inu-unti unti ko nang ayusin ang sarili ko. Napaka-lalim ng sugat na iniwan ng hudas na yan, kaya’t wala na po akong magagawa kundi ang lumayo na, at subukang i-repair ang sarili ko ng mag-isa.

Akala ko po noon, matatag ako. Akala ko po noon, hindi ako masasaktan ng lubusan. Sinubukan kong tapyasan ng band-aid ang sugat at sumabak ulit sa laban ng buhay. Hindi ako nagluksa, at hindi ako kumagat sa ampalaya. Hindi ako nagbigay ng sapat na panahon para bigyan ng pansin ang nagsusumigaw na sugat.

Pero natutunan ko po na kapag malalim ang sugat, hindi po pwedeng baliwalain at tapyasan ng band-aid lang. Hindi po pala pwedeng i-deny na nasaktan ka. At hindi po pala lahat ng panahon, kaya mong magpanggap na ayos ka lang. Masyado na pong malaki ang damage sa akin, Manong. Mahirap sabihin, pero opo. Sira po ako ngayon. Mahirap umamin, pero Manong, takot po ako ngayon.

Hindi na po ako marunong magtiwala. Hindi na po ako buo.

At ikaw, Manong. Ikaw na mapaglaro. Ikaw na mapangahas. Akala ko tapos na ang kwento. Akala ko tapos na ang lahat. Akala ko, iba na ang nagmamay-ari sa kanya. Pero may panahong pilit mo pa siyang binalik. Ako naman tong si tanga, sige, bigyan ng pagkakataon. Pero naman, manong. Hindi pa nga nagsisimula ang ikalawang kwento, puro pasakit parin ang ibibigay sa akin.

Sira ang merchandise talaga, Manong. Sira. Ayoko na.

Pagkatapos ng lahat ng panggagancho’t panloloko ng hinayupak na yun, may gana ka pang ibalik sa akin ang hudas na yun. At hindi pa pala gawa. Ni wala pang repair na nagaganap. Aba. Pwes. Ayoko na, Manong. Hindi ko na po magawang paniwalaan at pagkatiwalaan siya ulit. Malalim ang sugat.

Kasalanan mo yan. Hindi pa kasi ayos, hinayaan mo na agad na manakaw.

Mahina ang security mo, Manong.

Ngayon, ibabalik niyo sa akin. Tapos sira pa rin. Nananakit parin. Husmaryosep.

Hindi po kita inaaway, promise.

Siguro, ang pag-amin ko na may sugat ang unang hakbang para maghilom. Yun po ang ginagawa ko ngayon. Pero gusto ko po sanang maghilom ng wala pong umaaligid na pesteng langaw sa paligid.

Gusto ko po sanang maghilom ng wala siya. Gusto ko na siyang ibalik sa iyo ng lubusan.

Magbabalik na po ako ng merchandise, Manong.

Kalakip po ng sulat na ito ang lahat ng papeles at property rights sa binili ko sa aisle 4. Nandito po ang titolo, at lahat ng freebies na kasama nung binili ko siya. Mula sa araw na ito, hindi na po ako ang nagmamay-ari sa kanya. Iiwan ko na po ulit siya dyan sa tindahan mo, at kinikitil ko na ang lahat ng ugnayan namin dalawa. Pinuputol ko na ang anumang tali ang nagkokonekta sa aming dalawa.

Mula ngayon, Manong, wala na akong pag-aaring pag-ibig.

Maraming salamat po sa lahat. Ikaw po ang tumutulong sa akin sa tuwing hindi ko na kaya ang mga pasanin ko. Ikaw po ang nagbibigay sa akin ng anumang hiling ko. Ikaw din po ang gumabagay sa akin, sa tuwing hindi ko alam kung ang gagawin ko. Maraming salamat po, Manong, dahil sa kabila ng lahat ng kalokohan at kakulitan ko, nandyan ka lagi para salubungin ako sa tuwing bibisita ako sa tindahan mo.

Maraming salamat po sa pagtulong sa akin noong kailangan kong ipaglaban ang pag-ibig. Salamat, dahil kahit na wasak na ang pag-ibig, hinayaan mo pa ako bumili ng himala. Hindi man dumating ang himala, alam ko na balang araw, may mas magandang papalit.

Manong, maraming maraming salamat po, pero ibinabalik ko na po siya sa iyo.

Wala na ang pag-ibig. Wasak na ang puso.

Hayaan niyo na po akong maghilom.

~Kristina

Muling Magbabalik ang Balahura sa Tindahan ni Manong

Nabasa niyo na ba ang kwento ni Kristina?

Kung paano niya binili ang pangarap niya?

Kung paano niya binili ang pag-ibig?

At kung paano niya binili ang himala?

Magbabalik na si Kristina sa tindahan… Bato na ang puso, at naturingang pasaway. Nagmamatigas, at nagmamaldita. Hindi siya bibili ng kahit na ano. Wala siyang babayaran, at wala siyang huhulugan.

Makikipagpustahan si Kristina kay Manong.

Sino ang mananalo?

Si Manong ba, kasama ang kanyang best friend na si Ted Hannah? Si Manong, na naturingang Manager ng pinakamalaking Tindahan sa mundo. Ang nag-iisang manlilikha, bantay, kaibigan, at gabay ng sandaigdig. Si Ted Hannah, na may kapangyarihang manipulahin at paglaruan ang daloy ng kapalaran ng bawat tao.

O si Kristina, na isang hamak na mortal lamang? Si Kristina na minsang bumili ng pag-ibig, nasaktan, bumalik para bumili ng himala, at tuluyang nawalan. Si Kristina na magmamalditang susuway kay Manong at kay Ted. Si Kristina, na pinatigas ng panahon, pinatatag ng pagsubok, at pinatibay ng kapalaran?

Abangan.

“Manong, Pareng Ted Hannah, makikipag-pustahan po ako sa inyo ngayon. Sabi niyo WIN diba. Pupusta ako sa FAIL, kasi dun ako sanay. Pupusta ako sa bye-bye. Usap tayo tungkol sa terms and conditions. Pupunta ako sa Tindahan bukas, at pag-uusapan natin kung ano ang makukuha kong premyo pag nanalo ako… at ano ang ibibigay ko pag nanalo kayo. Tataya ako, Manong. Pareng Ted, antabay ka.” – Ang Balahurang si Kristina
—–
Unang kwento mababasa dito.

MACAU is Made of EPIC FAIL

Oo, siya, mali na ang grammar ng title ko. Naturingang English teacher ako. Sige na. Nagpapa-cute lang.

Nakita ko itong file na ito sa kasuluk-sulukan ng folder ko na may mga susulatin (gets? babasahin, susulatin? hahahaha. tama na, corny na, adik). Sinulat ko pala ito noong Setyembre 2009, nang nilibot namin ng mga kabarkada ko ang Macau.

Pag sinabing Macau, ang unang iisipin ng mga tao ay ‘Wow!’ Kaya naman nung nagpunta kami ng Hong Kong na magbabarkada, eh talagang nagtala kami ng isang buong araw para bumisita sa Macau. Sobrang excited kami noon, kasi nga made of WOW ang Macau (uy, rhyme!). Pero pag dating na pagdating namin sa sinumpang lugar, ay unti-unting nawala ang WOW, at napalitan ng LECHE.

Hindi kami nag-enjoy sa Macau. Siguro kasi, hindi ganun ka-WOW yung mga nakita namin, at isa pa… grabe. Ang mga bus. Lintek lang ang walang direksyon. Lost in Macau ang drama namin.

Bakit nga ba pangit na pangit kami sa Macau? Wala naman kaming mga balat sa pwet para hindi mapuntahan ang mga lugar na sinasabi nilang ‘wow’. Kasi napuntahan namin eh. O dahil ba hindi kami nag-casino? Sya… nagkandaleche-leche lang ang lahat…

Ang mababasa ninyo sa baba ay ang sinulat ko, habang nasa bus kami pabalik ng daungan, kung saan naghihintay ang ferry na magbabalik sa amin sa Hong Kong. Wala akong ie-edit. Itong ito yung nakasulat sa word file na nanggaling sa sosyalin kong cellphone. Oo, nagawa ko pang magsulat sa cellphone sa kalagitnaan ng kauratan.

Kung pupunta kayo sa Macau, nawa’y hindi niyo maranasan ang mga naranasan namin. At nawa’y magdala kayo ng mask, kung pwede lang, ha. Kakailanganin ninyo.

This is The Other Side of Macau.

Kaya eto na…
Continue reading

Ang Musika Para sa Balahura

Ano kasi eh… Ganito yun…

Nagtuturo ako ng ‘music’ kanina sa mga klase ko. Mangyari lang na nagkakatanungan kami kung ano ang depinisyon ng musika para sa kanila. Mga chever ba, para sa lesson. Siyempre natuwa naman ako sa mga sagot ng mga bagets ko.. At pagkatapos nila mag-share ng mga saloobin nila, eh nag-flash ako sa screen ng isang mumunting kemer tungkol sa musika.

Sinulat ko para sa you know who noon, bakit ba.

Pinapaskil ko dito dahil special request ng mga bagetz. Naman kasi ang balahurang ito, kung hindi pa ire-request, hindi ipapaskil dito ang mga sinusulat. Kaya eto…

Ang Musika Para sa Balahura…

Music for me is the gentle sound
of small waves rolling along the shore,
as the late October breeze whispers against
the surface of the still waters;
It is for me, the steady patter of the rain
against my windowpane,
and the howling wind rustling against
the leaves of the giant mango tree.
Music is the quiet yawn of a newborn baby,
the chirping birds saying hello to each other outside my window,
and the soothing voice of my mom as she
appeases my sister’s first heartbreak.
Music for me is your crisp laughter that follows
something stupid I said or did, and
your soft breathing as you succumb to the beckons
of slumber.
And of all the music the world has ever produced,
there is but one that is most precious, most grand,
most magical, most magnificent:
It is the music of your heart,
quietly, steadily beating in time with mine.

–untitled
Karren Renz Sena