Nawawala

Image
Ang sapatos ni Cinderella, nawala.Ang ulirat ni Sleeping Beauty, nawala.

Ang kagwapuhan ni Beast, nawala.

Ang boses ni Ariel, nawala.

Si Nemo, nawala.

Ang suklay ko, nawala.

Ang mamahaling ballpen na binigay ng nanay ko (may nakaukit pang pangalan ko), nawala.

Ang tatay ko, nawala.

Ang laman ng wallet ko, nawala.

Ang trabaho ko sa UST, nawala.

Ang kotse ko, hindi lang nawala. Nawasak muna, bago mawala.

Pati love life, LAGING WALA. Nganga.

Lahat nalang ng bagay, nawala. Nawawala. Mawawala.

May isang araw na kinumusta ako ni Ate Mai habang noong papunta kami sa Spanish class namin sa Kalaw (Hola, mi amiga! Que tal?).

Naalala ko, nung mga panahon na ‘yun, may hinahanap akong nawawala. “Hinahanap ko si Jesus,” sagot ko matapos ang ilang segundong katahimikan. Hiyang-hiya ang chicharon sa lutong ng tawa ni Ate Mai at ni Joanna nung narinig nila yung sagot ko. Hindi ko din sila masisisi, kasi, saan ko nga naman ba hinugot yung sagot na yun?

“Wow, kapatid!” sabi ni Ate Mai. “Ano ba yan, literal, metaphorical, o symbolical?”

“Pareho,” sagot ko. “Kasi, eto na nga ako’t bumalik sa simbahan, tapos parang lalo pang dumami yung mga balakid sa mga pangarap ko? Pang-ilang bagsak ko na kaya sa Japanese Exam. Tapos yung pinangako sa akin na makakabalik na ako sa pagtuturo, naudlot. Tapos, binebenta ko na halos sarili ko sa lahat ng Ministry sa The Feast PICC kaka-volunteer, pero ni isa walang sumasagot. Hinahanap ko si Jesus, Ate Mai.”

Naalala ko, niyakap nalang ako ng mahigpit ni Ate Mai tsaka ni Joanna. Huminga ako ng malalim tapos tumingin sa kawalan. Parang teleserye lang. “Alam niyo yung pakiramdam na alam mo na kung ano talaga yung purpose mo sa buhay, pero hindi mo alam kung paano mo yun gagawin? Yun yung nararamdaman ko ngayon. Sabi sa simbahan nung Sunday, lahat daw tayo, ang purpose natin, ‘To be more like Jesus’. Kinilabutan ako kasi, alam ko na yung akin. Magiging katulad ako ni Jesus na teacher. Fisher of men. Mentor. Preacher. Yun yung aspect ni Jesus na pakiramdam ko purpose ko. Pero hindi ko alam kung paano, kasi dinedeadma niya ako.”

Nginitian lang ako ni Ate Mai, tapos hindi na natuloy yung usapan kasi dumating na ang Profesora.

Madaming araw nakalipas. Ang araw, gumapang, naging linggo. Sumisikat pa din naman ang araw sa silangan at lumulubog sa kanluran. Traffic parin sa Espana tuwing tanghali, mainit parin sa Pilipinas, at hindi ko parin naintindihan masyado yung tinuturo sa Spanish Class. Hindi pa din ako nagtuturo, at hindi pa din sumasagot yung mga Ministry kung saan ako nagpumilit na magvolunteer. At nawawala pa din si Jesus.

Hanggang sa isang araw, nag-text si Ate Mai. “Kapatid, I’m really happy you’ve gone back to the Church. God’s will be done, one step at a time. You’re an inspiration. God bless you more, and me He quiet the discontent and restlessness you feel. Sabi mo noon, hinahanap mo si Jesus pero parang hindi mo Siya makita. Naalala ko yung text ni Kuya Apollo dati: If at times we find ourselves asking where God is, remember that a teacher is always quiet during a test.”

Nganga. Yan ang reaksyon ko nung nabasa ko yung huling parte ng text message ni Ate Mai. Oo nga naman, ano. Eto ako’t teacher din, kaya ako higit sa lahat ang nakakaalam kung nasaan ang guro habang sinusubok ang estudyante.

Kaya ayun. Nanahimik nalang ako, nagdasal, at naghintay. Paminsan kasi, ang sinusubok ay yung pananalig natin, lalo pa kung nagdesisyon na tayo na sumunod talaga sa mga utos ni Papa God, lalung-lalo na yung pinakamahirap: magmahal.

Mahalin mo ang pamilya mo. Mahalin mo ang kaibigan mo. Mahalin mo ang kapit-bahay mo. Mahalin mo ang kaaway mo. Mahalin mo ang trabaho mo. Mahalin mo ang hamster mo. Mahalin mo lahat na.

Kasi, pagmamahal lang naman pala ang katapat ng lahat ng bagay sa mundo. Yung pagmamahal na hindi lang ‘feeling’. Pagmamahal na ‘action’. Yung tipong kahit na bwiset ka na sa klaseng tinuturuan mo, mas pipiliin mo paring umintindi at manaway, kaysa ubusin ang isa’t kalahating oras na mag-sermon tungkol sa Good Moral and Right Conduct. Yung tipong pag may nakita kang lola sa kalsada na madaming bitbit, hihinto ka para tulungan siya kahit hindi mo siya kilala. Yung tipong sukang-suka ka na sa ineedit mo na research paper kasi chaka yung English, pero gagawin mo pa din kasi committed ka na magbigay ng pulido at matinong serbisyo. Yung tipong gusto mo nang sumagot sa nanay mo kapag sinesermonan ka niya, pero natuto ka nalang na makinig kasi siya yung nakipaglaban sa mundo, maibigay lang lahat sa iyo, kasi mahal na mahal ka niya. Yung tipong ayaw mo na magsimba kasi ang layo ng PICC, pero nangako ka sa Diyos na maglalaan ka ng isang araw sa bahay niya para sumamba at magpasalamat.

Ang panahon, patuloy umusad– paminsan gumagapang, paminsan tumatakbo. Pero sa bawat pagsilang ng araw, mas nakakaramdam ako ng kapayapaan sa puso ko, at mas natututo akong makapansin ng mga magagandang bagay, imbes na mga kachakahan. Natutunan kong ngumiti mula sa puso, kasi nalaman ko na kahit gaano kamaldita at kaimbyerna ang kausap mo, kapag nginitian mo sila, lalambot sila. Natuto akong magpasalamat para sa maliliit na bagay– ihip ng malamig na hangin sa mala-desyertong kalsada, masarap na pagkain tuwing hapunan, harutan kasama ang mga kapatid, yakap ng kaibigan, eat-all-you-can, at ultimo pagmulat sa bagong umaga–. Lahat pala yun, dapat ipagpasalamat.

Unti-unti nasagot ang mga panalangin ko. Nakapasa na ako sa Language Exam. Nakapag-serve ako sa UP Campus Feast. Nagkaroon ako ng mas madaming kaibigan. Nakapagturo ako part-time sa isang kolehiyo sa Intramuros. At ngayon, nagse-serve na din ako sa Formation Ministry sa Feast PICC. Ang dami-dami pang mga biyaya over, under, and in-between. Napakadami ding mga pagsubok– paminsan, mas madami pa sila kaysa biyaya–, pero mas natuto na akong tumingin sa maganda.

Madami pa ding nawawala– pera, yung ballpen ko, yung tatay ko, yung suklay ko, UST ko, love life (nganga)… Pero natuto na akong ‘makakita’. Kahit pala hindi ako maghanap, nandiyan lang silang lahat– opportunities, career, kaibigan, service… lahat. Kailangan lang, bukas ang mata, puso, at isip ko, para mapansin ko sila.

Natuto akong magmahal. Natuto akong magpasalamat. Natuto akong makakita ng mabuti.

At nalaman ko na hindi naman pala si Jesus yung nawawala. Ako pala yung nawawala, tapos masyado lang matigas ang ulo ko kaya hindi ko siya nakikita.

Parang, Heller. I’m right here, you know? Nandito na ako sa harap mo, hanap ka pa ng hanap ng iba.

Parang love lang. Hahaha.

Mabuti nalang mahal na mahal ako ni Jesus. Kaya kahit tatanga-tanga ako’t hindi ko siya mahanap, siya parin yung nagpumilit na turuan ako kung paano siya makikita.

Yung sapatos ni Cinderella, nahanap kasi mahal na mahal siya ng Prinsipe kaya sinuyod ang kaharian para lang mahanap siya at maibalik sa kanya ang sapatos.

Yung ulirat ni Sleeping Beauty, bumalik kasi mahal na mahal din siya ng Prinsipe kaya’t hinamak ang lahat, magising lang siya ng kanyang matamis na halik.

Yung kagwapuhan ni Beast, na-restore kasi minahal siya ni Belle kahit na nuknukan siyang kachakahan nung sinumpa siya ng Enchanted Fairy.

Yung boses ni Ariel, bumalik kasi siya naman talaga yung minahal ni Eric; impostorang pusit lang itong si Ursula, pero sa dulo pag-ibig parin ang nanaig.

Si Nemo, kahit na nawala sa napakalawak na karagatan, nahanap parin ni Marlin dahil ang pagmamahal ng isang ama, mas malawak at malaki pa sa lahat ng dagat at langit at lupa na pinagsama-sama.

Hindi na mababalik ang suklay, ballpen, tatay, at laman ng wallet ko, pero ayos lang. (Note na hindi ko sinama ang UST kasi sinusumpa kong MAIBABALIK YAN!) Kasi natutunan ko na kahit na anong mangyari, may isang bagay sa mundong ito na kahit kailan hindi mawawala, at yun ang pagmamahal.  LOVE.

At mawala man ang LOVE ng kung sinong Poncio Pilato here on Earth, natutunan ko ang ang pagmamahal ni Papa God, wagas at naguumapaw. Paano ka ba naman mawawalan, kung ang pinanghahawakan mong pag-ibig, eh ang pinaka-nakakakilig, pinaka-fumoforever, at pinaka-nakakabless? Paano ka nga naman mawawalan, kung ang isang nagmamahal sa iyo ay ang pinanggagalingan ng lahat ng kayamanan, pagmamahal, at kapurian sa mundo?

Mawala man lahat ng bagay sa mundo, si Jesus, forever nandyan.

Dun palang, panalong panalo na tayong lahat.

General Cleaning

Mama always said
that I never really learned
how to clean
I’ve always hated it–
Scrubbing, polishing, sweeping, then
taking out, lifting, and moving things
just so you can wipe and sweep and take away
all the dirt, all the mess,
even the ones hidden away

Ever since I was a little girl
I would always find ways to
get out of that bothersome task,
I would scamper away
at the mere mention of the term
“General cleaning”,
find other things to do–
Cook dinner, wash dishes, do homework,
comfort a friend,
save the world–
Anything, so long as I don’t get to
hold a broom or a rag in my hands,
so long as I don’t get to lift things
or reach into the deepest corners
to find things
(dirt, mess, buried and forgotten
things)
only to throw them away

Continue reading