Ako ang Balahurang Tensai

Ako ang Batang Balahura.

Meron akong higit isang libong libro sa kwarto, na binabalak kong basahin bago ako mamatay.

Binabalak kong magpalagay ng permanenteng tattoo ng malaking dragon na may kagat na YinYang symbol sa likod ko, pero hindi pwede kasi tatapyasin ng nanay ko ang balat ko, o di kaya’t maghahalo ang balat sa tinalupan, pag ginawa ko ‘yon.

Pangarap kong maging punong kawal na siyang magtatanggol sa isang nanganganib na kaharian, pero hindi maaari sapagkat hindi na uso ang mga kawal.

Isa akong notorious gangster na kinatatakutan ng lahat ng tao in da ‘hood, pero joke lang yan, kasi mabait ako sa totoong buhay. Oo promise, mabait ako.

Isa akong batang balahurang mahilig mambulabog ng buhay ng may buhay, pero sa panaginip lang yun, dahil anti-social ako.

Kapitan ako ng isang barkong ninakaw ko sa mapangahas na mga pirata ng Laguna de Bay habang sila’y abala sa pagma-mahjong, pero pantasya lang ito dahil hindi pa ako nakakapunta sa Laguna de Bay.

Emperatris ako ng isang masagana at mapayapang bansa, lubos na ginagalang ng mga kawal at lubos na minamahal ng mga mamamayan, pero hindi totoo ito dahil wala akong balak sumabak sa kahit na anong uri ng politika.

Dati, pag tulog na lahat ng tao, humaharap ako sa salamin at naglelecture sa imaginary na klase. Ngayon, hindi ko na kailangang hintayin matulog lahat ng tao sa bahay at humarap sa salamin para magturo, dahil natupad na ang mga pangarap ko.

Sinasalakay ko na ang mundo, one student at a time. 😀

Simpleng tao lang ako. Pero may malaking pangarap. Gusto kong makipagkwentuhan sa mga tao. Tara, samahan niyo ko mangarap.

Ako si Karren Renz Seña, Batang Balahurang naging guro, manunulat.

6 thoughts on “Ako ang Balahurang Tensai

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s