Para sa Susunod (kong tanga), with Love (and sermon) II

Para sa Susunod,
(a.k.a. Ang Aking Trulab)

Napaka-walanghiya mong talupandas ka. NASAAN KA NA?!

Kung hindi ka ba naman tonta (tonto!), saang singit ng kalawakan ka ba nagsususuot at hindi ka makarating-rating dito? Ha? Wala ka bang sense of direction, lintek ka? Ha? Ano, tanga lang? Ha? Bobo lang? Leche. Napiga na lahat ng kapaitan sa katawan ko’t niyakap ko na ang pangako ng bagong umaga, wala ka parin, mokong ka sarap mong sampalin. Utak mo yata nasa pwet. Ano ba.

Ay, emotions lang? Four hundred percent lang?

Continue reading

Defying Gravity; Burn, Baby, Burn

defying gravity... and looking like a moron while doing so

“So if you care to find me, look to the western sky! As someone told me lately, ‘Everyone has a chance to fly!’ And if I’m flying solo, at least I’m flying free. To those who’d ground me, take a message back from me. Tell them how I’m defying gravity! I’m flying high, DEFYING GRAVITY! And soon I’ll match them in renown. And NOBODY in all of Oz, NO WIZARD THAT EVER IS OR WAS, is ever gonna bring me down!” -Elphaba, “Wicked”


Para sa napaka-dramatic na mensahe… mukhang tanga lang ang litrato. Panira. HAHAHA. Because I’m ADIK! ^___^

BURN, KARREN, BURN!

Gawa ng isa sa mga estudyante ko. Hindi dahil gusto nila akong sunugin at kulamin (lab nila ako). Natuwa ako sa ideya, kaya’t nagrequest ako kay Robert na gawan din ako.

Hindi ko alam kung bakit kinikilig ako sa picture na ‘to. Parang… napaka-dark at napaka-ominous. Napaka-cathartic ng effect. Napaka-morbid. Ang saya lang.

Ako na… ang natutuwa sa ideyang may sumusunog sa akin. Adik talaga.

Ang sarap pag-tripan ng sarili. Hahaha.

MACAU is Made of EPIC FAIL

Oo, siya, mali na ang grammar ng title ko. Naturingang English teacher ako. Sige na. Nagpapa-cute lang.

Nakita ko itong file na ito sa kasuluk-sulukan ng folder ko na may mga susulatin (gets? babasahin, susulatin? hahahaha. tama na, corny na, adik). Sinulat ko pala ito noong Setyembre 2009, nang nilibot namin ng mga kabarkada ko ang Macau.

Pag sinabing Macau, ang unang iisipin ng mga tao ay ‘Wow!’ Kaya naman nung nagpunta kami ng Hong Kong na magbabarkada, eh talagang nagtala kami ng isang buong araw para bumisita sa Macau. Sobrang excited kami noon, kasi nga made of WOW ang Macau (uy, rhyme!). Pero pag dating na pagdating namin sa sinumpang lugar, ay unti-unting nawala ang WOW, at napalitan ng LECHE.

Hindi kami nag-enjoy sa Macau. Siguro kasi, hindi ganun ka-WOW yung mga nakita namin, at isa pa… grabe. Ang mga bus. Lintek lang ang walang direksyon. Lost in Macau ang drama namin.

Bakit nga ba pangit na pangit kami sa Macau? Wala naman kaming mga balat sa pwet para hindi mapuntahan ang mga lugar na sinasabi nilang ‘wow’. Kasi napuntahan namin eh. O dahil ba hindi kami nag-casino? Sya… nagkandaleche-leche lang ang lahat…

Ang mababasa ninyo sa baba ay ang sinulat ko, habang nasa bus kami pabalik ng daungan, kung saan naghihintay ang ferry na magbabalik sa amin sa Hong Kong. Wala akong ie-edit. Itong ito yung nakasulat sa word file na nanggaling sa sosyalin kong cellphone. Oo, nagawa ko pang magsulat sa cellphone sa kalagitnaan ng kauratan.

Kung pupunta kayo sa Macau, nawa’y hindi niyo maranasan ang mga naranasan namin. At nawa’y magdala kayo ng mask, kung pwede lang, ha. Kakailanganin ninyo.

This is The Other Side of Macau.

Kaya eto na…
Continue reading

Matanga-Tanga

Eto’t fumi-fearless na naman ako dahil ine-expose ko ang sarili ko. Ito ang ilan sa mga naipon kong ‘Tanga Lang’ conversations. Mga tipong hindi ko alam kung san hinugot, kung sa ilong ba, o sa tainga o sa pwet.

Patangahan lang talaga eh…

Pero lahat ng ito ay hango sa mga aktwal na pangyayari.

—–

1. Sa bahay, bago umalis ang B:

B: B, may foot powder ka?
Ako: Ha? Wala eh.
B: Amp. Babae ka ba talaga?
Ako: (Isip muna, sabay silip sa loob ng t-shirt.) Oo.
B: (Natawa) Gagu.

2. Sa Phuket, habang kinakabitan ng parasailing gears si Ate Hasmyn:

Kuya (Nakita ang tyan ni Ate, gusto pang diinan ang harness): Madam? Baby? Baby?
Ate Hasmyn: Ah… no baby! No baby! Only food!

3. Koykoy, habang nagbabanlaw kami pagkatapos mag swimming:

Ako (Ino-obserbahan ang patunaw na Safeguard): Kulang pala yung baon nating sabon. Paubos na, o.
Koy: Isang beses lang akong nag-shampoo para dalawang beses akong makapagsabon.
Ako: Ano?
Koy: Eh, hindi naman ako mamamatay pag hindi ako nagshampoo. Kailangan ko magsabon.
Ako: HA?

4. Ako at si Mama, habang naglalakad sa Patong beach:

Ako: Ma, bumili ka na naman ba ng dry bag? Ano yan, collectibles?
Ma: De, iba naman to. Shoulder bag lang to. Yung iba naman kasi malalaki.
Ako: Yung dry bag ba yung ano… yung parang, kahit itapon mo sa dagat yung bag eh hindi mababasa yung gamit mo sa loob EVER?
Ma: Subukan natin. Lagay natin lahat ng telepono’t gadget mo sa bag, tapos tapon natin sa dagat ah.
Ako: Kain na tayo. San na ba yung Subway?

5. Ate Hasmyn, habang pabalik kami galing sa Phuket Fantasea; mga alas onse y media ng gabi:

Ako (Nakasilip sa bintana ng van, nakita ang dagat): High tide, o.
Hasmyn: Ha? Eh, diba ang high tide sa gabi lang?
Ako: Oo nga. Ano ba sabi ko?
Hasmyn: High tide.
Ako: O, gabi diba? High tide nga.
Hasmyn: Oo nga.

6. Sa kwarto, kasama si Miko; suot ko ang green na sando at maong shorts:

Ako: Ligo lang ako. Mabilis lang.
Miko: K.
(After 10 minutes, pasok ako sa kwarto, nagtu-tuwalya ng buhok)
Miko (nanlaki mata): Tapos ka na?
Ako: Oo.
Miko (Tumataas na boses): Tapos ka na maligo?! (Ang mukha niya parang ganito o.O )
Ako: Oo nga. (Ang mukha ko ganito -_-) (Ang tono ko parang ‘duh’)
Miko (tiningnan suot kong sando na green at maong shorts): Yan ulet suot mo?
Ako: Oo, eh kakasuot ko lang naman nito bago ka dumating eh.
Miko (super laki mata): BABAE KA BA?!?!

7. Sa text, magkakasunod-ipinadala, at wala man lang akong chance magreply:

B(Unang text, ginising ako ng alert): I love you!!!
B: Ay! April Fool’s Day pala ngayon!
B: Di na kita love!
B: Haha! Happy April Fool’s! Hihi!
Ako (may chance na) (Mainit ang ulo, ginising kasi): April Fool’s mo mukha mo! Gago!

8. Sa Viet Nam, habang namimili ng mga kwintas sa bangketa:

Mama: O, Karren ang ganda nito o. (Kumuha ng kwintas na may krus na pasabit).
Ako: Oo nga, Ma. Kunin mo na.
Mama: Eto pa, o. (Kumuha ng kwintas na parang dog tag na hindi ko maintindihan dahil may nakasampay pang Chinese character)
Ako: Oo nga, Ma. Kunin mo na.
Mama: Bilin ko na, hiraman tayo.
Ako: Oo nga, Ma. Sige, hiraman tayo. (Sabay nakakita ng na-tripang kwintas.) Mama, bilan mo ko nitong may bungo.
Mama: T*ngnamo, tumigil ka nga.

9. Sa luma naming bahay, inaalagaan namin ang bagong panganak kong kapatid na si Kihyan; 1992:

Bumahing ang sanggol ng dalawang magkasunod na beses.

Ako: Mama, bakit si Kihyan laging dalawang beses kung um-atching?
Mama (abala sa pag-alaga sa bigla kong umiyak na kapatid): Hmmm?
Ako: Bakit po si Kihyan laging dalawang beses pag uma-atching?
Mama (abala pa din, parang hindi nakikinig): Normal lang yun.
Ako: Ha? Normal yun?
Kihyan: (umiyak bigla, abala si Mama sa pagpa-tahan)
Ako: Mama, normal yun? Ako kasi isang beses lang um-atching eh. Ibig sabihin, Mama, abnormal ako?
Mama: Oo, oo. Wag ka magulo, umiiyak kapatid mo.

Tingin ko dito nagsimula ang paniniwalang abnormal ako. Nabitbit ko tuloy hanggang pagtanda.

Marami pang iba. Abangan.

Backtracks: Kontemplasyon ng Balahurang Estudyante sa Tapat ni Benavidez

Una.

Pinapaskil ko ang piyesang ito dahil BLOG ko ito at may karapatan akong ilagay dito ang anumang gusto ko. Kahit ba naka-post na ito sa dati pang blog ko.

Pangalawa. Pinapaskil ko ito dahil minsang dinala ako nito sa rurok ng tagumpay (naks), nang mabigyan ako ng parangal sa Ika-dalawampu’t isang USTetika Annual Awards for Literature. Mayabang ako. Bawal magyabang? Alis dito kung naiirita ka. Joke. Nagmamaldita lang po. 🙂

Pangatlo. Pinapaskil ko ito dahil ang piyesang ito ay inaalay ko sa mga estudyante ko ngayon. Eto ang mga repleksyon ng isang estudyanteng tulad ninyo. Papalabas na siya ng unibersidad, patapos na ang panahon ng pag-aaral. Nawa’y mapulutan niyo ito ng aral (hindi kalokohan), at sana’y matulungan kayo nito na mas mahalin at pahalagahan ang mga karanasan ninyo ngayon, bukas, at magpakailanman. 🙂 Joke.  Mga karanasan ninyo sa UST.

Enjoy, mga bagets.

——–

Kontemplasyon ng Balahurang Estudyante sa Tapat ni Benavides
Ni Karren Renz Seña
c2005

Bakit kaya sa tuwing nagkakaroon ako ng isang nakaka-baliw na araw bigla ko nalang makikita ang sarili ko sa tapat ng estatwa ni Benavides? Para bang dito ako dinadala ng mga paa ko, hindi man lang nalalaman ng isip ko. Para bang sinusundan lang ng pagod kong diwa ang halina ng musika na ginagawa ng paghampas ng hangin sa mga dahon, at ang pangakong yakap ng dilim at katahimikan sa aking windang na utak.

Nakaka-inis talaga. Wala nang pinagkaiba ang araw na ito sa lahat ng nagdaan. Parang tinitira ng buhawi ang buong mundo araw-araw, tinatangay ang lahat mula sa kani-kanilang mga magiginhawang buhay at siyang isasabak sa bagyong wala naman tayong kontrol. Bigla mo nalang matutuklasan na pagod na pagod ka na sa lahat ng kalokohan ng bawat araw.

Ayan. Kalokohan. Pati ba naman ang istatwa ng leon na nakabantay kay Benavides, niloloko pa. Bakit may bubble gum sa butas ng ilong ng isang leon na to? Pati ba naman dito umaabot pa ang kabulastugan ng mga estudyante? Kawawang leon. Tinapyasan ng dignidad, kahit wala naman siyang ginawang masama. Pati siya nadamay sa napaka-makasarili at walang-hiyang daloy ng buhay dito sa unibersidad.
Continue reading

Mga Ilang Kuro-kuro sa Paglalakbay I: Manila-Bankok-Phuket (aka Lintek na Flight Schedule To!)

Babala:  Ang mga impormasyong mababasa dito ay pawang kuru-kuro ko lamang. Maaaring may kamalian, katangahan, at kalokohan. Maaaring wag maniwala. Maaaring huwag magbasa, pero kung gusto niyong mag-aksaya ng oras sa kababasa ng mga kalokohan ko sa paglalakbay na ito… sige, why not?

At isa pa… PICTURES, O! 😀

Marso 28, 2010 ang Diz iz really iz it! Ako na adik at hayok sa bakasyon ay binigyan na naman ng pagkakataong … well, magbakasyon. Haha. Tagal ko nang hinihintay ng mga araw na ito. Yung idea lang na walang pasok, walang trabaho, pwede gumising ng tanghali, at pwede akong matulog kahit kailan ko gusto, ay sapat na para talagang asam-asamin ko ang pagdating ng araw na ito.

Sus. Parang Disyembre palang napapanaginipan ko na ang sights and sounds dito sa Phuket (na sa ibang post nalang, ha?), kaya umaga palang ng a-beinte otso ay gayak na gayak na ko. Napaghandaan ko na namang mawalay sa mga kaibigan at sa B (pero hindi ibig sabihin nun eh hindi niyo nako ite-text! Nakaroaming pa ko, pakyu!) Siya, nasan na ko? Ah… gayak. Pinagpilitan ko pa talagang isiksik sa bagahe ko si Tatin the Tartol (wala pang picture, syet!), dahil pakiramdam ko kasalanan ang hindi siya dalhin sa mga lakad ko.

Continue reading

Blog: Slum Book Politics: “You Sign Mine, I Sign Yours”

Naaalala ko pa nung bata ako, mahilig akong pumirma sa mga autograph book ng kaklase ko. Uso kasi yan ‘pag mga bandang grade 2 o grade 3 ka na. Pag tumungtong ka sa ganyang edad, bigla ka nalang magyayaya sa nanay mong pumunta sa bookstore, para magpabili ng pinaka-bongga, pinaka-makapal, at pinakamaraming tanong na slum book. Kapag meron ka niyan, ‘In’ ka. Kapag wala, ay sorry ka. Swerte mo nalang kung papirmahin ka ng iba sa slum book nila, kasi ang unspoken na pulitika ng slum book signing ay ‘You sign mine, I sign yours.’

Minsan nga, nakaka-offend pa kapag pinapirma na ang lahat ng kaklase mo, tapos ikaw hindi pa. Kaya ayun, bibili ka ng sarili mong slum book, ikaw ang unang pipirma, at kinabukasan, pasimple mo itong ilalabas sabay tabi sa lintek na babaeng hindi nagpapirma sa iyo. Siya naman ‘tong si tanga, maiinggit sa mas maganda at mas bago mong slum book. Take note. Naka-karton pa. Bigla ka niyang didikitan na tila mag-best friend kayo since birth.

“Uy! Ang ganda naman niyan! Kailan ka bumili?”

“Kahapon lang. Busy kasi si mama kaya hindi kami makapunta ng bookstore agad,” ang iyong kaswal na sagot, pero sa totoo lang, kumakawag na ang kamao mo sa utak mo, at sumisigaw ka na ng malutong na ‘Yes!’.

“Bagong design yan ah!”

“Ah, oo.”

“Sinong papapirmahin mo dyan?”

Bigla mong naisip ang hindi masyadong sikat mong kaklase. “Ah.  Si Katrina.”

“Ha? Siya? Bakit siya?”

Lintek ka, kasi mas nauna mo pa siyang pinapirma kaysa sa akin, e mas sikat ako sa kanya. “Ah, kasi close kami eh.”

“Ah, ganon ba?” Tapos kunwari siyang mag-aayos ng palda, lilingon sa buong classroom na tila nagmamanman kung may makakakita, at nung napansin niyang wala… “Gusto mo ako nalang ang unang pumirma dyan? Close din naman tayo diba? Eto o. Pirma ka din sa akin.”

Victory.

Kung iisipin mo, bata ka palang, nakikipag-labanan ka na para sa social status. Kapag pinapirma ka sa slum book ng pinaka-sikat mong kaklase, aba’y sikat ka na din. Kapag hindi, feeling mo ikaw ang ‘odd-man-out’, kaya maghihiganti ka’t bibili ng slum book na ikaiinggit ng di umano’y sikat mong karibal sa atensyon.

Hindi ko din alam kung bakit ako nakikipagpatayan para sa autograph book noon eh. Alam ko nga marami pa sa mga kaklase ko ang nagkakatampuhan kasi hindi sila pinapirma. Isa siguro ito sa mga phenomenon na hindi ko maiintindihan. Kasi pag tumanda na naman, nawawalan na ng magic yung slum book. Nawawalan din ng ganang pumirma yung mga tao.

Pag bata siguro, parang nandun pa yung kiliti sa idea na nagbibigay ka ng impormasyon sa tao. Naibabahagi mo yung mga bagay-bagay tungkol sa sarili mo na hindi mo naman madalas masabi sa kwentuhan. Naibabahagi mo yung mga pananaw mo sa buhay (What is your motto), mga gusto mong mangyari sa buhay mo (What is your ambition?), nagkakaroon ka ng pagkakataon na gumawa ng intriga (Who is your crush?), nagkakaroon ka ng pagkakataon na sabihin ang gusto mong sabihin sa taong may ari ng slum book (Message to owner), at pag minsan sa pagbabasa ng iba pang mga entry, nagkakaroon ng pagkakataon na matuklasan ang mga trip ng ibang tao (What are your hobbies, likes and dislikes… mga ganung chorva).

Ang sarap lang din naman kasi sumagot sa mga tanong eh. Sa loob ng ilang sandaling sumusulat ka sa slum book, pakiramdam mo importante ka, kasi ang daming bagay tungkol sa iyo ang hinihingi. Para kasing ang sarap isipin na interesado sa iyo at sa isusulat mo yung tao; ang sarap isipin na gusto kang makilala nung taong nagpapirma sa iyo sa slum book niya. Nandun na din siguro yung idea na masarap lang talagang sumagot ng mga tanong tungkol sa sarili.

Kahit ngayong matatanda na tayo, pumapatol pa tayo sa mga post na nagtatanong ng mga trip at hindi mo trip, diba?

Lahat naman siguro tayo entitled na magkaroon ng Moment of Narcissism, na kung saan gusto mong magbalandra ng impormasyon tungkol sa sarili mo kahit hindi naman nila hinihingi.

Ganun din siguro pag bata ka. Bukod pa sa social status yan pag nasa elementary ka. Pagandahan ng slum book. Ako nga noon, iniyakan ko pa nanay ko para bilhan ako ng slum book na bonggang bonggang makapal. Ang mga pumirma mga kaklase ko na hindi ko na matandaan kung sino. Pati mga pinsan ko nagpatayan dahil gusto din daw nilang pumirma sa slum book ko. Sikat ako nun eh, kasi ang ganda ng slum book ko. Makapal, hard-cover, ringbound, at glossy yung papel. Samantalang yung iba, parang notebook lang ng Sterling.  San ka pa?

Ni isa naman wala akong natandaan sa mga pumirma dun.

Para san ang slum book? Remembrance? Siguro para sa ilang semimental- este- sentimental na tao, tlagang itatago nila yung mga slum book nila para maalala nila yung mga tao. Pero ako… wala talaga akong natandaan. Ni yung mga may-ari ng mga slum book na pinirmahan ko hindi ko na matandaan. Malamang hindi na din nila ako natatandaan diba?

At ang naaalala ko, lagi akong nanggagago pag sumasagot ako sa slum book. Siguro sadyang ugali ko na talaga na hindi magbigay ng impormasyon tungkol sa sarili ko. Lalo na sa mga taong wala akong paki-alam.

Ganito ako magsulat sa Slum Book noon. (Na siyang dahilan ng pangwawarla sa akin ng best friend ko. Inaksaya ko lang daw yung pretty pages ng autograph book niya.)

Bonggang Bonggang Disney Autograph Book

Name: Karren Renz Sena y Paulino (Take note: Double ‘R’ ang ‘Karren’ ko)

Nickname: Renz, RR, Aki, Macho

Age: Average life span minus 59 summers

Address: NPA

Telephone: 911-1111, 0916-8-7000

Religion: Catholic

Sex: Female with overdose of testosterone

Nationality: ½ Filipino, ¼ Japanese, 1/8 Pomeranian, 1/8 Shih Tzu

Hobbies: P.E.D.R.O.S. (Playing, Eating, Dreaming, Resting, Overtime, Sleeping – modified nalang yan, kids)

Motto: Aanhin pa ang bato kung durog na ang kamao.

Likes: Death and destruction, violence, goth, anime, night sky, sunsets, Hey Arnold, Squidward, gay porn, yaoi,  water, war movies, astronauts, water sports, scuba diving

Dislikes: You

Who is your crush? Bakit ko sasabihin sa iyo? Close ba tayo?

Your first kiss? Yung totoo o yung sa pangarap?

Who is your first love? Bakit ba namemersonal ka na? Kelangan bang isulat ko dito ang buong pangalan ni JLT?

Describe your first love: Retarded ng bonggang bonggang retarded

What are your aspirations? Aspirations? Di ba yun yung Ingles ng pawis?

What are your goals? Goal ko ang matapos ang Final Fantasy VII Crisis Core ng hindi siya natatapos ng bonggang bongga. Ayaw ko pa siyang matapos kasi pak tapos na, wala nang joy.

Define ‘Love’:  Ang paborito kong sagot dito? “Love is tanga. Nandyan na hindi pa makita. Wala na, hinahabol pa.”

Message to owner:

Dear Friend,

J – ust                          I – I
A – lways                    T – rust
P – ray                         A – nd
A – t                              L – ove
N – ight                       Y – you

Take care ‘coz I care! Friends Forever tayo ha!

Your friend,
Friend

Manong, Para Dyan sa Tabi

Naalala ko, minsan nung naguusap kami sa History class, nabanggit ng prof namin na maraming ugali ng Pinoy ang lumabas pag nakasakay sa jeep. Basta parang ganun yung gusto niyang sabihin. Konti lang yung example na binigay niya, pero sapat na yun para patakbuhin yung malikot kong utak. Marami kang mapapansin eh, tulad nalang ng layout ng jeep. Tipong magtatabi-tabi talaga yung mga tao, magkaharap ang dalawang helera. Mas may contact, kung baga. Hindi tulad ng sa bus, iba iba ng pwesto; kahit sabihin mong magkakasunod, parang lahat kayo nakatingin sa iisang direksyon. E sa jeep, F to F.

Face to face.

Ng bonggang bongga.

Ayun. Nasan na naman ako? Takteng kabaklaan yan o.

Ah, sa jeep.

Nandyan na din yung simpleng aksyon na pag-abot ng bayad kay Mamang Tsuper eh. Hindi na natin masyadong napapansin, pero diba, parang pahiwatig na din yun ng pagbigay ng konting tulong sa taong hindi mo naman kilala? Pag nakakakita ako ng taong hindi nag-aabot ng bayad sa jeep, pakiramdam ko napaka-inutil niya’t walang modo. Tulad nalang kahapon eh. Nasa may bandang dulo ako, sa bandang sakayan ng jeep. Yung isang mama, nasa likod na halos ng tsuper. Tapos may sumakay sa gitna naming dalawa. Natural lang naman na yung bagong sakay ay magpaabot sa kanya ng bayad. Eh halos mabali na yung kamay nung ale sa kakaabot sa driver, ni hindi man lang siya tinulungan nung isang pasahero. Nakakapikon ah. Ano ba naman yung iangat mo ng konti yung kilikili mo para iabot sa driver yung bayad ng babae? At bakit ka uupo dyan sa malapit sa driver kung hindi mo trip mag-abot ng bayad? Simpleng bagay, pwede ba!

Ay umiinit ang ulo ko. Kapikon kasi eh. Pakiramdam ko wala kang karapatang sumakay sa jeep kung wala kang interes na magabot ng bayad ng tao. At kung wala naman, dun ka umupo sa pinakadulo. Yung tipong isang swerve lang ng jeep, pwedeng pwede kang tumalsik palabas, leche kang inutil ka.

Simpleng magaabot lang ng bayad, hindi mo pa magawa. Dun ka sa taxi sumakay, leche.

Jeep na din siguro ang transportasyon kung saan nagkakaroon ng pinaka-intimate na body contact ang mga nakasakay. Oy! Pwedeng paki-linis ng utak mo! Walang porno sa jeep! Ang ibig sabihin ko lang, nagkakaroon ng bonggang bonggang body contact, kasi nandyan yung katotohanan na pipilitin ng jeepney driver na pagkasyahin ang sampung pasahero sa upuang siyaman lang.

Tipong, ‘Heller, kuya. Tae ka, ikaw kaya umupo dito.’

Contact kung contact eh. Kanina lang, super contact na kami ng katabi ko, sobrang gusto ko talaga siyang itulak ng bonggang bongga kasi alam mo yung basa siya ng pawis? Urong na ko ng urong papalayo sa kanya, kaya lang ang sama na ng tingin ng nasa kanan ko eh. Naiipit na yata siya ng bonggang bongga. Pero kasi. Alam mo yung basa ng pawis yung nasa kaliwa ko? Tapos papasok ako sa school? Sobrang… naiintindihan ko naman na necessary evil ang body contact sa jeep, pero alam mo yung basa sya ng pawis?!

Alam kong medyo sign of ‘togetherness’ ang makikita mong scenario sa jeep. Pero pwede bang yung ma-eexperience kong together-ness ay yung tipong hindi basa ng pawis?

Affected ako eh. Iba eh. Ibang uri ng contact yun eh.

So umurong ulit ako pakanan. Naisnab na ko ni Ate sa kanan ko. Pero pocha. Sige, sya ang tumabi sa pawising mister! Epal.

So. Contact. Togetherness. Sa loob ng jeepney. Ang sabi dati ng prof ko, parang ‘family’ daw. Yung idea na isang malaking pamilya ang mga Pinoy, at nakikita ito sa loob ng jeep.

Ang tawag ko dito, lalo na pag basa ng pawis ang katabi mo, ‘Hassle. Bonggang bonggang hassle.’

Dalawang obserbasyon lang yan. Siguro may part two pa ito pag ginanahan pa ko. Kasi may bonggang bonggang kwento pa ako tungkol sa pagsakay ng jeep.

Pero sa ngayon, eto muna.