Maikling Cheverloo: Araw ng Mga Patay

Ok, kids! Nitong nakalipas na undas, sino-sino ang inyong mga ginunita?

Teacher ako!

O sige, ikaw.

Ginunita ko po ang yumao kong lolo!

Beri good. Sino pa?

Ako po! Ginunita ko po ang namatay kong tita!

Beri good. Next?

Ako po! Ginunita ko po ang aking namatay na parrot!

Continue reading

Athena

Athena

Was it because
Paris chose Aphrodite
that your heart became brittle
and your soul, once radiating
with all the colors of the rainbow
slowly bled into black?
Was it because
you weren’t chosen,
that you exchanged your
wisdom and strength
for bloodlust and revenge?

But Athena,
it wasn’t your fault
that your sister was cunning enough
to tempt a virile young man with
a face that launched
a thousand ships.
Aphrodite used lust
to win,
and your gifts
of wisdom and warfare
cannot really win
against the call
of the loins.

Does it
make you powerful
to see us toiling,
cramping,
bleeding
in battle,
while you sit on your
high horse,
and polish your blade
as we die?

I’m sorry that you
weren’t chosen,
I’m sorry that you
lost.
But
punish us not,
Athena.
It wasn’t our fault
as well,
that you think
you can compensate
your loss
with the misery
of your
people.

Athena,
was it because you
weren’t chosen,
weren’t loved?

I pity you,
Athena,
for even though
Troy has fallen
beneath your
vengeful sword,
and burned with the
flames of your
furious heart,
we died as
free men,
hearts strong,
minds pure,
souls intact.

Quite unlike
you
who lived
and reigned
and lorded
over all.
Unchosen.
Unloved.

Pailalimang Saksakan, Talikurang Bangasan, Walang Pakundangang Parinigan

Ang cute talaga ng social networking sites, kung minsan ano? Naturingan adik ako sa Facebook, at paminsan, Twitter, kaya kapag may libre akong oras (o kahit wala hahaha), magbababad ako dun.

Dati nung hindi pa ako titser at madami pa akong libreng oras, ugali kong magbasa ng mga post sa mga wall ng tao. Subukan niyo. Para kayong nagbabasa ng isang mahabang kwento. Alam niyo ba na masusubaybayan niyo ang mga pangyayari sa buhay ng isang tao sa pamamagitan lang ng wall niya? Meron ako noong sinubaybayang kaibigan. Hanep, parang telenobela lang. Hindi kami close, pero alam ko na halos kung anong nangyari sa lablayp niya dahil lang sa mga wall post niya.

Echosera lang?

Lahat tayo nagiging echosera’t usisera kasi nga naman, sa oras na pinaskil mo sa social networking site ang saloobin mo, sinasalang mo na ito sa publiko. Bukas na ito sa kahit na anong kritisismo, reaksyon, komento, likes, o kung anu-ano pa. Pinapaskil mo eh. Wag kang magreklamo ngayon kung biglang usisain ng tao ang buhay mo.

Ganun din sa pag-blog at pag-tweet. Sa sandaling pinaskil mo sa internet ang kwento’t mga saloobin mo, free for all na yan. Kung magthe-theorize tayo (ayan na lumalabas na ang pagiging Comparative Lit Major ko),  parang exhibitionism yan sa parte ng manunulat o ng nagtu-tweet, o ng nagpo-post sa FB. Voyeurism naman sa parte ng mga mambabasa. Teorya palang yan, pag-aaralan ko pa para sa grad school. HAHAHA.

Mabalik lang sa mga post at blog, ano. HAHAHA. Kung anu-anong mga reaksyon na makukuha niyan. Minsan puro papuri makukuha mo. Minsan ma-eelibs sa iyo mga tao  kasi ang tapang mong maglahad ng nasasaloobin mo. Kaya siguro madaming nagbabasa ng blog ko, kasi walang pakundangan ako kung maglahad ng nasasaloobin ko. Yan ang natutunan ko sa pag-aaral ng malikhaing pagsulat.

Lahat ng sinusulat mo, nanggagaling sa pinagsamang galing at talino ng parehong puso at utak mo. Ang pagsusulat kasi, parang pakikipag-usap yan. May gusto kang sabihin at ibahagi sa mga tao, kaya’t maglalakas-loob kang ilahad ang puso’t kaluluwa mo sa publiko, dahil baka isa o dalawa sa kanila’y makapulot ng konting aral dito.

Hindi madali ang magsulat. Hindi madali ang maging totoo sa sarili, at maging totoo sa mga tao. Para kang naghuhubad dahil nilalahad mo sa buong mundo’t kalawakan ang mga pinakatago-tago mong emosyon, saloobin, at ideya. Para kang naghihiwa ng sugat na matagal nang naghilom; kailangan mo itong paduguin to para tumugis ulit sa papel ang lahat ng alaala.

Minsan naman, may hindi sasang-ayon sa iyo. Nakakatuwa kung yung mga hindi sumasang-ayon ay maglalaan ng panahon para ibigay ang sarili nilang opinyon. Minsan sa comment dito magsusulat. Minsan sa wall ko sa fb. Minsan naman, diretso sa email ko. Magkakaroon ng diskusyon kung saan malaya ang mga tao na ilahad ang sarili nilang mga saloobin.

Yan eh kung matapang yung tao para tapatin ang mga manunulat.

Madako tayo sa tinatawag na… KALAYAAN.

May kalayaan ang tao na isulat ang lahat ng nasasaloobin nila. May kalayaan din ang tao na magkomento sa mga nababasa nila. May kalayaan ang tao na magkaroon ng negatibong reaksyon sa mga nakasulat. May kalayaan ang tao na sumagot sa kung anong paraan ang alam at kaya nila.

Walang paki-alaman. Magsusulat ako hangga’t gusto ko magsulat. Sumumpa ako noon na magiging matatag ako sa pagsusulat. Sumumpa ako na magiging totoo ako sa sarili ko sa bawat pag-lahad ng kamay ko sa keyboard, o sa bawat pagtugis ng bolpen ko sa mga notebook ko.

At kapag sinabihan akong tigilan ang pagsusulat at paglalahad ko, LALO LANG AKONG NANGANGATING MAGSULAT. KASI KAYA KO.

BECAUSE I CAN, sa Ingles. (Hayup, gumaganun!)

At kayo, malaya din kayong mag-react sa kung anong sinusulat ko. Kasi kaya niyo.

Madako tayo sa isa pang napaka-sikat na aktibidades sa mga social networking sites. Parinigan.

Katuwa mga tao minsan ano. Post ng post ng mga parinig. Minsan maloloka nalang ako eh, puro na parinigan sa news feed ko. Parang, ‘Ay. Nasan na ang world peace na tinatawag?’ Miss Congeniality lang? Adik diba.

Bakit nga ba nagpaparinig? May pinapatamaan ka ba? Gusto mo bang marinig yan ng tinatarget mo? O gusto mo lang din maglabas ng nasasaloobin pero ayaw mong iparating sa taong gusto mong paringgan kasi WAR ITO SHET, kaya ibubuhos mo nalang sa pader o sa blog mo? Kahit sa totoong buhay eh… minsan nag-aadik mga tao, idadaan nalang sa parinig at talikurang pambabargas ang lahat ng gustong iparating.

Bakit kaya hindi mo kayang puntahan yung tao tapos sabihin ng harapan sa kanya mga gusto mong sabihin?

Duwag ka?

Hindi mo kasi masasabing ‘wala kang panahon’ para mangompronta eh. Kung may panahon kang magparinig, tiyak may panahon ka para sabihin ng harapan ang kung anong gusto mong sabihin.

Nagtataka lang ako talaga. Major major confused ako sa logic ng mga taong mahilig magparinig, kasi ako, diretso akong tao eh. Kung may problema ako sa iyo, sasabihin ko sa iyo ng diretso, para mapag-usapan natin.

Kung gusto kong makipag-away sa iyo, aawayin kita ng harapan. Warfreak lang? Hinde. Tapat lang. Kung warfreak ang tawag niyo sa taong pranka sa lahat ng gustong sabihin, at tapat sa nararamdaman– galit man ito, o tuwa, o lungkot, o kung ano pa– eh di sige. Warfreak na.

Sus.

Ilang tao lang sa mundo ang kaya ng ganun? Hindi ko kayo inaaway ha, nagtataka lang talaga ako kasi medyo pointless ang pagpaparinig. Self-exression din ba? O sige na nga. Sa ibang kaso, oo. Baka nga gusto lang din maglabas ng ibang tao ng mga nasasaloobin nila, pero ayaw nilang makarating sa target.

Eh bakit nagparinig ka pa?

Ako na… ang confused.

At isa pa. Kung halimbawang nakita mong may nagpaparinig sa iyo at nambabargas sa iyo ng patalikod gamit ang mga twitter at fb account nila, ano gagawin mo?

Gaganti ka ba gamit ang sarili mong pader at tweet-tweets? Babargasin mo din siya, kahit alam mong 50-50 lang ang tsansang mababasa niya yun. At pag nabasa niya yun, aba’y gaganti din siya. Parinigan nalang.

What a very adult and professional activity. Very enlightening.

Kaloka.

Meron akong nakita na page sa FB noon, parang, ‘Parinig ka ng parinig sa wall mo, hindi mo naman kayang harapin! Wall to wall nalang, o!’

Siyempre, nag-like ako.

Ayan na naman tayo sa usaping ‘gantihan’ at ‘pagpatol’. Kaya hindi natatapos lahat ng away at giyera sa mundo eh. Puro patulan ang nagaganap. Ang hirap kasing mambato ng tinapay, eh binato ka ng bato. Sinong sintu-sinto gagawa niyan? Sinampal ka na sa kanang pisngi, ibibigay mo pa kaliwa mo? Adik ka?

Pinaringgan ka na’t binargas-bargas ng patalikod, hindi ka pa papatol? Ano ka, santa? Ako pa man din, napakahilig kong pumatol. Hindi ako marunong magpatalo eh. Kapag pinaringgan ako, susugurin ko’t titirahin ko yung taong yun ng harapan– sa harap ng maraming tao para may eksesna. Kapag inaway ako ng patalikod, mangaaway ako ng diretsahan. Kapag tinaasan ako ng boses, kukulu ang dugo ko, aabot sa penthouse ang presyon ko, at mas tataasan ko din ang boses ko. Away to.

Kapag binato ako ng bato, babatuhin ko ng isang bloke ng semento.

Kapag binuhusan ako ng tubig, bubuhusan ko din siya ng tubig. Yung kumukulo pa.

Warfreak talaga. Yun nga lang, ako, harapan.

Kaya lang, kahit gaano ako ka-warfreak, pwede din naman akong kausapin ng matino. Minsan, kahit na gustong-gusto ko nang patayin yung tao, kapag hinarap ako ng maayos, haharapin ko parin ng maayos. Tragic flaw ko yan eh. Ang bilis kong magpatawad. Kahit na binargas-bargas na ako, tae, isang sorry lang o kaya isang maayos  na approach lang, wala na. Wala na ang rage. Loser lang. Asar.

Sabi ng iba, maganda daw yung ganung ugali. Mabilis kausap, kahit galit na. Pero sabi ko, hindi rin. Kasi minsan inaabuso ng mga tao yung ganun kong ugali eh. Tsaka wala tuloy akong chance na maging warfreak. Tsk.

Ang hirap ng hindi pumatol. Sarap kasi minsan ilabas ang lahat ng galit, ang sarap makipag-warlahan. Ang sarap din pumatol sa parinigan. Pero kasi napapaisip din ako, ano. Nagsusulat ako dito. At totoo ako sa lahat ng sinasabi ko, lalo na sa sarili ko. Nagpapakabalahura ako sa harap ng mga mambabasa ko, kasi eto ako eh. Pero iba ang pagiging totoo… sa pagpapakita ng maling halimbawa.

Lalo pa’t may mga kids na nagbabasa dito (I love you, kiddos! HAHAHA). Lalo pa’t ang propesyon ko ay medyo hebigatin. Titser ba.

May mga panahong gusto kong gumanti’t bumaba sa lebel ng ibang tao. Pag writer ka kasi, medyo makakakita ka ng mga hindi lang negatibong komento… yung talagang pambabangas na. Tapos hindi pa sa iyo ididiretso. Magtu-tweet lang ng kung anu-anong pambabangas, ni hindi naman alam kung ano ang buong kwento. Ni hindi alam kung ano totoong nangyayari.

Pag ganun, kasarap lang pumatol. Kung sa bangasan lang, expert ako dyan. Pwede kasing pabangas din, pa-balahura, at parinig din. Pero napapaisip ako. Importante kasi sa akin yung propesyon ko at yung posisyon ko bilang guro. Seryoso ako sa trabaho ko.

Higit pa sa English, Technical Writing, At Humanities (paminsan Creative Writing at Literature… yabang lang?!) ang kailangan kong ituro sa kanila. Kailangan ko silang gabayan na gumawa ng tama. Kailangan ko silang alalaayan hanggang sa pag-lakad nila papalabas ng Arc of the Centuries. Kailangan ko silang ihanda para sa buhay sa labas ng unibersidad.

Minsan, napapaisip ako kung kaya ko ba. Pero kasi binigay sa akin tong pribilehiyo at karangalan na maging guro nila eh. Kaya sinusubukan ko talaga.

Minsan, may mga gusto na akong gawin na tipong gusto ko nang ilabas yung mga kinubra kong sungay. Pero nandyan ang mga bata. Nandyan sila, nakamanman sa lahat ng kilos at salita ko.

Sa mata ng bata, ang lahat ng ginagawa ng matanda ay tama.

Kaya nagsusumikap din akong mas mabuting tao, para sa mga estudyante ko. Mga anghel sila na pinadala ng langit para putulin ang sungay ko’t bawasan ang pagiging maldita ko. Sa totoo lang, hindi ko lubos mapakita sa kanila kung gaano sila kaimportante sa akin, at kung gaano ko sila kamahal. Hindi ko lubos maipakita yung pasasalamat ko sa lubos-lubos na pagmamahal na binibigay nila sa akin.

Hindi dumadaan ang araw na hindi nila ako hinaharang sa tuwing magkakasalubong kami. Kailangan talaga, magchikahan kami kahit sandali. Hindi dumadaan ang araw na hindi sila babati, o ngingiti, o yayakap. Libre ang yakap at pagmamahal kapag titser ka. Iba ang amats, kapag may humigit-kumulang 450 na bata na nagmamahal sa iyo.

Oo, may iba dyang bata na binabangas din ako patalikod. Hindi maiiwasan yan, lalo na’t minsan eh lumalabas ang pagkamaldita ko sa klase (kapag medyo maingay na sila). At isa pa, sinong teacher ang hindi inalyasan at binangas ng mga bata? Pero sa dalawa o tatlo na nambabangas sa akin, ano ba naman sila, eh ilang daan naman ang nagmamahal?

Gayunpaman, mahal na mahal ko silang lahat. Yes, kahit yung mga nambabangas.

Kaya ayan. Nagpapakabait tuloy ako, kahit na kagabi, umabot sa stratosphere ang presyon at urat ko nang mabalitaan kong binabargas na naman ako ng patalikod ng ilang taong hindi ko alam kung bakit hindi ako kayang harapin. At mangyari lang na ang nagsumbong at nag-report sa akin na may ganitong anumalya, ay yung kuya na mismong dahilan kung bakit ako binabangas ng isang anonymous na ate.

Imbes na pumatol at magparinig, naghanap nalang ako ng ibang paraan para tugunan ang sitwasyong ito. Eto ang isa sa mga alam kong paraan. Pagsusulat. Baka may madampot pa kayong aral dito, ewan ko lang. Isang malaking feeling lang naman paminsan eh. HAHAHA APIR TAYO MGA TSONG.

Makapangyarihan talaga ang salita. Naisulat man, o nasabi, kapag binato mo to, habambuhay na yang tatatak. Ako bilang manunulat, dito sa blog nilalahad ang saloobin. Tapat ako sa mga mambabasa ko, kaya siguro ang daming sumusubaybay dito.

(MARAMING SALAMAT I LOVE YOU ALL PWERA BIRO SALAMAT TALAGA MWAH. Ay. Artista lang?)

Lahat tayo, may kalayaang mag-bitaw ng salita. Sa kasawiang-palad, ang kalayaan na yan ang nagbibigay din sa atin ng paraan na maging backstabber at duwag, kasi malaya din tayong mambangas ng hindi alam ng ibang tao.

Subukan niyo nga minsan. Kung may gusto kayong sabihin, idiretso mo sa taong gusto mong pagsabihan. Try niyo. Kaya niyo ba?

Siya. Sige na nga. Give peace a chance. High road tayo.

(PS… Kids, sorry absent si Ma’am. Nabinat eh, pano naulanan ng ilang araw. T__T Ahmishu kiddos.)

Dahil Matanda Ka Na…

Kaninang umaga, nakasabay ko sa jeep ang isang cute na cute na bata at ang kanyang hindi masyadong cute na I dunno whut yaya ba, o lola, o tita, o kung sino man matanda. Siguro yung bata mga, kinder yata, tapos yung kasama niya parang mga nasa late 40’s to 50’s na. Kung mas bata pa siya sa hula ko, sorry nalang.

Tawagin nalang natin silang ‘Si Neneng at si Bantay’. Kitang-kita ang respeto ko sa matanda, ano?

Kumakain si Neneng ng Chips Delight, tapos paunti-unti sinusubuan din siya ng kasama niya. Paminsan pansin ko pumupuslit din si Bantay, kasi susubo din siya ng pakonti-konti kapag hindi nakatingin si Neneng.

Nung matapos silang kumain, aba, lintek lang. Biglang tinapon lang ni Bantay yun balat ng Chips Delight sa sahig ng jeep.

Naimbyerna ako. Bakit ba napaka-walanghiya ng ibang tao dito sa mundo?Simpleng basura nalang eh, punyemas lang, hindi ba pwedeng itago mo muna yan sa limpak limpak na bag na dala mo.

Nakakainis. Gagawa ng anumalya ang mga tao, tapos magrereklamo at matatakot dahil nasisira na ang Earth. Gagu lang. Kung ganyan lahat ng tao sa mundo, eh talagang hanggang 2012 nalang nga tayo. Sarap sampalin.

Hindi naman talaga ako bastos sa matatanda. Sa totoo lang, matindi ang paggalang ko sa kanila. Pero kung ganyang kabastos-bastos ang ginagawa, eh sorry po, hindi po kita kayang galangin.

Tinititigan ko siya ng masama. Aba’y hindi nakakaramdam. Nag-ayos pa ng gamit na tipong parang bababa na siya. Gusto ko sanang magbulag-bulagan kasi ayokong magmukhang pakialamera. Ayoko sanang mag-react, kasi simpleng bagay lang yan.

Pero hinde. Yung mga simpleng bagay na yan, pag pinagpatong patong mo’t pinalampas mo, malaking bagay din yan sa huli. Karakter nalang eh. At yung epekto ng basura sa kapaligiran.

Nasa harap ko siya nakaupo. Ang ginawa ko, talagang dumukwang pa ako para damputin yung bwakananginang basura niya. Tapos malakas yung boses ko, sabi ko dun sa kahelera kong kuya,

“Kuya, paki-tapon naman po ‘to sa basurahan o. Makiki-abot lang po.”

Yung pang talagang matigas at nagmamalditang tono ang ginamit ko, at ang kilay ko, umabot na yata ng hairline. Maraming salamat kay Kuya, sa pag-abot ng basura, at paglagay nito sa tamang lalagyanan.

Tiningnan ako ni Bantay, at tiningnan ko din siya ng masama. Parang, “Ano, ha? Ano ka ngayon, ha?”

Naglalaro at paismayl ismayl lang si Neneng. Hindi niya alam na kinakanti ko na ang kasama niya. Hindi ako nagsalita, kahit na gusto ko siyang pagsabihan. Sapat na siguro yung ginawa ko para ipamukha sa kanya na isang malaking KAHIHIYAN at PAGKAKAMALI ang ginawa niya. May kasama siyang bata. Ano nalang ang magiging ugali at pamamaraan ng batang yun pag tanda niya.

Hindi na ako magtataka kung balang araw gagawin din ni Neneng ang ginawa ni Bantay.

Asar lang eh.

Pwede ba. Maldita na kung maldita. Mataray na kung mataray. Pero kasi, hindi ko din naman yata kayang pabayaan yung mga ganyang bagay, kung alam ko namang may magagawa ako.

Nung bata ako, lagi kong naririnig sa TV ang isang kasabihang hindi ko na nakalimutan.

Sa mata ng bata, ang ginagawa ng matatanda ay tama.

Backtracks: Kontemplasyon ng Balahurang Estudyante sa Tapat ni Benavidez

Una.

Pinapaskil ko ang piyesang ito dahil BLOG ko ito at may karapatan akong ilagay dito ang anumang gusto ko. Kahit ba naka-post na ito sa dati pang blog ko.

Pangalawa. Pinapaskil ko ito dahil minsang dinala ako nito sa rurok ng tagumpay (naks), nang mabigyan ako ng parangal sa Ika-dalawampu’t isang USTetika Annual Awards for Literature. Mayabang ako. Bawal magyabang? Alis dito kung naiirita ka. Joke. Nagmamaldita lang po. 🙂

Pangatlo. Pinapaskil ko ito dahil ang piyesang ito ay inaalay ko sa mga estudyante ko ngayon. Eto ang mga repleksyon ng isang estudyanteng tulad ninyo. Papalabas na siya ng unibersidad, patapos na ang panahon ng pag-aaral. Nawa’y mapulutan niyo ito ng aral (hindi kalokohan), at sana’y matulungan kayo nito na mas mahalin at pahalagahan ang mga karanasan ninyo ngayon, bukas, at magpakailanman. 🙂 Joke.  Mga karanasan ninyo sa UST.

Enjoy, mga bagets.

——–

Kontemplasyon ng Balahurang Estudyante sa Tapat ni Benavides
Ni Karren Renz Seña
c2005

Bakit kaya sa tuwing nagkakaroon ako ng isang nakaka-baliw na araw bigla ko nalang makikita ang sarili ko sa tapat ng estatwa ni Benavides? Para bang dito ako dinadala ng mga paa ko, hindi man lang nalalaman ng isip ko. Para bang sinusundan lang ng pagod kong diwa ang halina ng musika na ginagawa ng paghampas ng hangin sa mga dahon, at ang pangakong yakap ng dilim at katahimikan sa aking windang na utak.

Nakaka-inis talaga. Wala nang pinagkaiba ang araw na ito sa lahat ng nagdaan. Parang tinitira ng buhawi ang buong mundo araw-araw, tinatangay ang lahat mula sa kani-kanilang mga magiginhawang buhay at siyang isasabak sa bagyong wala naman tayong kontrol. Bigla mo nalang matutuklasan na pagod na pagod ka na sa lahat ng kalokohan ng bawat araw.

Ayan. Kalokohan. Pati ba naman ang istatwa ng leon na nakabantay kay Benavides, niloloko pa. Bakit may bubble gum sa butas ng ilong ng isang leon na to? Pati ba naman dito umaabot pa ang kabulastugan ng mga estudyante? Kawawang leon. Tinapyasan ng dignidad, kahit wala naman siyang ginawang masama. Pati siya nadamay sa napaka-makasarili at walang-hiyang daloy ng buhay dito sa unibersidad.
Continue reading

Natutunan Ko Na…

Mabilisan lang ulit. Magkakaroon ng paliwanag ang mga leksyong natutunan ko dito. Pero sa ngayon, ito na muna.

1. Nang magalit ang B nung nakipag-away ako sa isang moron kahit nakiusap siyang huwag nang pumatol…

Natutunan kong makinig sa pakiusap ng iba, at hindi laging pinagbibigyan ako sa mga war-freak moments ko.

2. Nang makasabay ko ang ilang high na high na rugby boys nung tumawid ako sa footbridge sa Delta…

Natutunan ko na hindi lahat ng oras ay ligtas ako sa kalsada. Tama si Bosing, na ang aksidente at aksidente, at minsan may mga siraulong halang ang kaluluwa na pwedeng gumawa ng kababalaghan. Salamat, Bosing, dahil sinamahan mo akong makasakay kahit na pinagpilitan kong 24 years akong naging single, at nasanay na walang naghahatid sa akin kahit magcommute at maglakad ako mag-isa sa gabi. (Kung mababasa mo ito, B, oo. Mag-iingat na ako lagi. Nabawasan na ulit ang pagiging fearless ko.)

3. Nang malaman kong nagsimulang magturo si Inang noong 19 palang siya, at hindi pa rin tumigil hanggang sa pagpanaw niya nung siya’y 78…

Natutunan ko ang tunay na kahulugan ng ‘dedikasyon’.

4. Nang malaman kong nang kinaumagahan ng Mayo 10 ay nagtangka pa si Inang na bumoto, na inatake siya sa puso dahil sa init sa presinto…

Natutunan ko kung ano ang tunay na kahulugan ng ‘serbisyo sa bayan’. Ika nga ni Ate Jaymee, hanggang sa huli, ginampanan ni Inang ang tungkulin niya bilang mamamayan ng bansang ito. Na hanggang sa huli, umasa siyang may pagbabagong magaganap, at sa pagtangka na ipasok ang kanyang boto, may magagawa pa siya para sa bayang ito.

5. Nang makausap ko ang isang kaibigang nagdadalamhati sa pagkawala ng isang mahal sa buhay dahil sa isang pagkakamali…

Natutunan kong nasa huli ang pagsisisi. Na wala nang mas sasakit pa kaysa sa kaalamang sarili mo lang ang maaari mong sisisihin sa pagkawala pinakamagandang bagay na nangyari sa iyo.

6. Nang lumala ang tampuhan namin ng B dahil sa dire-diretsong pag-atake ko sa nasasabing moron…

Natutunan kong prevention is better than damage-control. Mas mabuti pang umiwas ka na lang sa pagkakamali, kaysa manuyo ka dahil nakasakit ka dahil sa nasasabing pagkakamali. Sumunod ka nalang, kaysa magsorry ka dahil hindi ka sumunod. Mas magandang gawin ang tama, kaysa sa huli ay pagsisihan ang ginawang kabulastugan.

Natutunan ko din na dumampot ng mga leksyon sa mga pagkakamali. Pag nakaraos ka na sa isang pagkakamali, malalaman mo na ang mga bagay na dapat mong iwasan, at dapat mong gawin. Ang pagkakamali ay hindi maiiwasan, ngunit maaari ka nitong gawing mas maingat, mas mabuti, at mas matalinong nilalang. Yan ay kung marunong kang matuto sa mga pagkakamali mo.

7. Nang biglang hindi na tumunog ang telepono ko…

Natutunan kong may oras para sa lahat ng bagay. May oras para magkwentuhan, may oras para sa katahimikan. May oras para sa minamahal, may oras para sa sarili. May oras ng pagmamahalan, may oras ng tampuhan. May oras ng kakesohan, may oras ng walang pansinan. May oras ng pagsasama, may oras ng pagiisa. May oras ng pagreregister ng UNLI, may oras ng paggamit ng natitirang free text.

8. Nang maramdaman ko sa puso ko na hindi ko na masyadong gustong pumunta sa Japan…

Natutunan ko na lahat sa mundong ito ay nagbabago. Kahit pangarap.

9. Nang kausapin ko ang mga kaibigan ko tungkol sa pagsusulat ko…

Natutunan kong minsan, kahit wala ka nang tiwala sa sarili mo, mayroon paring mga taong magpapaalala sa iyo ng kung anong meron ka. Mawalan ka man ng pagasa, hindi mawawalan ng mga taong maguudyok sa iyong lumaban pa. Mawalan ka man ng kumpyansa sa talento mo, may mga taong magtatanggol sa kaya mong gawin. Kaya salamat, Ate Che at ShengSheng.

10. Nang makausap ko ang nasasabing ShengSheng at Ate Che…

Natutunan kong madali lang kumita ng malaking pera sa pagsusulat ng mga pangkrasya novels. Hmmmm… Ano ang pangkrasya novels? Sikretong malupit. Limang piso lang, pag palitan. Kinse o bente yata pag brand new. Mabibili sa suking National Bookstore, at sa 7-11 nationwide.

Hanggang sampu lang sana, pero dadagdagan ko…

11. Nang makita ko ang resulta ng halalang nagdaan…

Natutunan ko na milyon sa ating mga kababayan ay hindi nabigyan ng pagkakataon para magkaroon ng tamang edukasyon. Tuloy, bumoboto parin sila sa mga taong akala nila ay iaahon sila sa hirap, sa taong mabait, sa artista, at sa taong puro pangako ng pagbabago. Nagpapadala sila sa sabi-sabi. Ayaw na daw nila sa matalino dahil ang matalino ay kurakot. Hindi sila nabigyan ng tamang edukasyon, ng tamang kaalaman, at ng tamang pananaw.

Natutunan ko tuloy bigla ang gusto kong maging papel sa mundong ito.

Gusto ko nang magturo. Sa lalong madaling panahon.

Hindi Ba Sinabi Ko Walang Makikialam?!

Mabilisan lang ito ah.

Ang tao pag malungkot o miserable, ang hilig mambasag ng trip ng iba. Kung wala ka, pasensyahan nalang. Maghintay kang magkaroon ng sarili mong kaligayahan. O kaya maghanap ka ng sarili mo, kung gusto mo. Pero huwag kang mambabasag ng trip ng iba.

Ang kaligayahan, para sa ibang tao, pinipitas lang sa puno ng aratilis, dinadampot sa kalsada, pinipilas sa papel, binabasa sa porno mag.  Sa iba naman, ang kaligayahan nabibili sa Ermita, nababargain sa Divisoria, at nakakain sa Chao Phraya River Cruise.

Para sa iba, madaling makamit ang kaligayahan.

Pero may mga tao dyan na kala mo umaariba sa inidoro nung nagsaboy ng happiness si Lord, kaya ayun, feeling nila miserable ang buhay nila since birth ’till death.

Para sa mga taong hirap na hirap maging masaya, pwede ba, huwag niyong ugaliing manghugot ng ibang tao pababa. Hindi ko trip mangbangas ng ibang tao, pero naiirita lang ako kapag may  mga mahilig mambasag ng trip ng may trip kapag biruan oks lang haha. Try niyo kaya ugaliin na imbes na yung mga magagandang bagay ang pinupuna niyo sa buhay niyo. Kahit kakarampot lang, mag-focus kayo dun.

Kasi, positive thoughts attract positive things.

Kung puro negatibo na nga nangyayari sa buhay mo, negatibo ka pa kung umasta, aba’y lunurin mo nalang sarili mo sa imbornal.

Continue reading

Walang Makikialam II

Kahit may panahong mabato ang daan,
Kahit madami ang bumubulong,
Kahit madami ang nagsasalita,
Kahit hinahabol ng nakaraan ang kasalukuyan,
Kahit hindi nila alam,
Kahit hindi ipinagsisigawan sa mundo,
Kahit hindi man sabihin ng malakas,
Kahit nauubusan ng salita ang manunulat,
Kahit tume-tengga sa ere,
Kahit minsan, pawisan,
Kahit nagmi-miko ka’t madaming palusot,
Kahit nananabla ka sa Facebook,
Kahit nireplyan at kinomentan na lahat, pwera lang ang B,
Kahit minsan, gusto kitang ipakain sa buwaya,
Kahit minsan gusto kong idikit sa punching bag ang picture mo’t gulpi-gulpihin ito,

B, mahal kita.

Anong alam nila? Wala.

Kaya walang makikialam.

Blog: “You hit me, I’ll hit you ten times over”, aka, Bakit Masarap Gumanti

Sabi nila, kapag sinampal ka sa isang pisngi, ibigay mo pa yung isa pang pisngi.

Sabi nila, kapag binato ka ng bato, batuhin mo ng tinapay.

Pero sabi ko, pag binuhusan ka ng tubig, buhusan mo rin ng tubig. Pero yung kumukulo.

Minsan talaga masarap gumanti, ano? Yung iparamdam mo sa tao kung ano yung ginagawa nila sa iyo.

Halimbawa, sinampal ka. Kumulo ng dugo mo, nagdilim ang paningin mo, at nagbaga ang dibdib mo. Sinampal mo ng mas malakas ang mahadera. Umamin ka. Iba yung amats na naramdaman mo nung humataw yung palad mo sa pisngi ng kasampalan mo, diba? Mahapdi, oo, pero may halong high. Kasabay ng paghampas mo ay ang paglukso ng puso mo na syang magdadala ng agos ng dugo sa utak mong nawawalan na ng tamang ulirat. Adrenaline rush.

Minsan nga, pinagpa-planuhan pa ang paghihiganti, diba? Step-by-step pa ang execution, at minsan, ‘killing me softly‘ pa ang drama, para damang-dama ang hinagpis ng paghihiganti. Ikaw namang si demonyita, talagang nilalasap pa ang mga sandaling nakikita mong epektibo na ang plinano mong resbak. Tuwang tuwa ka naman kasi nakikita mo nang gumagapang na sa putikan ang kaaway mo.

‘Ah, itulak mo daw ba ako sa kanal, ah. Pwes, lulunurin kita sa imbornal.’

Mga ganung trip, ba.

Continue reading

Walang Makikialam

Bago manaig ang dilim sa liwanag,
Bago itulak ng buwan ang araw,
Bago tuluyang lumamig ang simoy ng hangin,
Bago tuluyang kumapal ang mga ulap,
Bago magsara ang taon,
Bago pumasok sa panibagong hamon ng buhay,
Bago tuparin ang mga pangarap,
Bago bumili ng havaianas,
Bago umalma ang langit at lupa,
Bago mag-isa ang liwanag at dilim,
ang itim at puti,
ang luma at bago,
ang puso at pangarap,
Bago ang lahat,

Isang deklarasyon:

B, mahal kita.