Nawawala

Image
Ang sapatos ni Cinderella, nawala.Ang ulirat ni Sleeping Beauty, nawala.

Ang kagwapuhan ni Beast, nawala.

Ang boses ni Ariel, nawala.

Si Nemo, nawala.

Ang suklay ko, nawala.

Ang mamahaling ballpen na binigay ng nanay ko (may nakaukit pang pangalan ko), nawala.

Ang tatay ko, nawala.

Ang laman ng wallet ko, nawala.

Ang trabaho ko sa UST, nawala.

Ang kotse ko, hindi lang nawala. Nawasak muna, bago mawala.

Pati love life, LAGING WALA. Nganga.

Lahat nalang ng bagay, nawala. Nawawala. Mawawala.

May isang araw na kinumusta ako ni Ate Mai habang noong papunta kami sa Spanish class namin sa Kalaw (Hola, mi amiga! Que tal?).

Naalala ko, nung mga panahon na ‘yun, may hinahanap akong nawawala. “Hinahanap ko si Jesus,” sagot ko matapos ang ilang segundong katahimikan. Hiyang-hiya ang chicharon sa lutong ng tawa ni Ate Mai at ni Joanna nung narinig nila yung sagot ko. Hindi ko din sila masisisi, kasi, saan ko nga naman ba hinugot yung sagot na yun?

“Wow, kapatid!” sabi ni Ate Mai. “Ano ba yan, literal, metaphorical, o symbolical?”

“Pareho,” sagot ko. “Kasi, eto na nga ako’t bumalik sa simbahan, tapos parang lalo pang dumami yung mga balakid sa mga pangarap ko? Pang-ilang bagsak ko na kaya sa Japanese Exam. Tapos yung pinangako sa akin na makakabalik na ako sa pagtuturo, naudlot. Tapos, binebenta ko na halos sarili ko sa lahat ng Ministry sa The Feast PICC kaka-volunteer, pero ni isa walang sumasagot. Hinahanap ko si Jesus, Ate Mai.”

Naalala ko, niyakap nalang ako ng mahigpit ni Ate Mai tsaka ni Joanna. Huminga ako ng malalim tapos tumingin sa kawalan. Parang teleserye lang. “Alam niyo yung pakiramdam na alam mo na kung ano talaga yung purpose mo sa buhay, pero hindi mo alam kung paano mo yun gagawin? Yun yung nararamdaman ko ngayon. Sabi sa simbahan nung Sunday, lahat daw tayo, ang purpose natin, ‘To be more like Jesus’. Kinilabutan ako kasi, alam ko na yung akin. Magiging katulad ako ni Jesus na teacher. Fisher of men. Mentor. Preacher. Yun yung aspect ni Jesus na pakiramdam ko purpose ko. Pero hindi ko alam kung paano, kasi dinedeadma niya ako.”

Nginitian lang ako ni Ate Mai, tapos hindi na natuloy yung usapan kasi dumating na ang Profesora.

Madaming araw nakalipas. Ang araw, gumapang, naging linggo. Sumisikat pa din naman ang araw sa silangan at lumulubog sa kanluran. Traffic parin sa Espana tuwing tanghali, mainit parin sa Pilipinas, at hindi ko parin naintindihan masyado yung tinuturo sa Spanish Class. Hindi pa din ako nagtuturo, at hindi pa din sumasagot yung mga Ministry kung saan ako nagpumilit na magvolunteer. At nawawala pa din si Jesus.

Hanggang sa isang araw, nag-text si Ate Mai. “Kapatid, I’m really happy you’ve gone back to the Church. God’s will be done, one step at a time. You’re an inspiration. God bless you more, and me He quiet the discontent and restlessness you feel. Sabi mo noon, hinahanap mo si Jesus pero parang hindi mo Siya makita. Naalala ko yung text ni Kuya Apollo dati: If at times we find ourselves asking where God is, remember that a teacher is always quiet during a test.”

Nganga. Yan ang reaksyon ko nung nabasa ko yung huling parte ng text message ni Ate Mai. Oo nga naman, ano. Eto ako’t teacher din, kaya ako higit sa lahat ang nakakaalam kung nasaan ang guro habang sinusubok ang estudyante.

Kaya ayun. Nanahimik nalang ako, nagdasal, at naghintay. Paminsan kasi, ang sinusubok ay yung pananalig natin, lalo pa kung nagdesisyon na tayo na sumunod talaga sa mga utos ni Papa God, lalung-lalo na yung pinakamahirap: magmahal.

Mahalin mo ang pamilya mo. Mahalin mo ang kaibigan mo. Mahalin mo ang kapit-bahay mo. Mahalin mo ang kaaway mo. Mahalin mo ang trabaho mo. Mahalin mo ang hamster mo. Mahalin mo lahat na.

Kasi, pagmamahal lang naman pala ang katapat ng lahat ng bagay sa mundo. Yung pagmamahal na hindi lang ‘feeling’. Pagmamahal na ‘action’. Yung tipong kahit na bwiset ka na sa klaseng tinuturuan mo, mas pipiliin mo paring umintindi at manaway, kaysa ubusin ang isa’t kalahating oras na mag-sermon tungkol sa Good Moral and Right Conduct. Yung tipong pag may nakita kang lola sa kalsada na madaming bitbit, hihinto ka para tulungan siya kahit hindi mo siya kilala. Yung tipong sukang-suka ka na sa ineedit mo na research paper kasi chaka yung English, pero gagawin mo pa din kasi committed ka na magbigay ng pulido at matinong serbisyo. Yung tipong gusto mo nang sumagot sa nanay mo kapag sinesermonan ka niya, pero natuto ka nalang na makinig kasi siya yung nakipaglaban sa mundo, maibigay lang lahat sa iyo, kasi mahal na mahal ka niya. Yung tipong ayaw mo na magsimba kasi ang layo ng PICC, pero nangako ka sa Diyos na maglalaan ka ng isang araw sa bahay niya para sumamba at magpasalamat.

Ang panahon, patuloy umusad– paminsan gumagapang, paminsan tumatakbo. Pero sa bawat pagsilang ng araw, mas nakakaramdam ako ng kapayapaan sa puso ko, at mas natututo akong makapansin ng mga magagandang bagay, imbes na mga kachakahan. Natutunan kong ngumiti mula sa puso, kasi nalaman ko na kahit gaano kamaldita at kaimbyerna ang kausap mo, kapag nginitian mo sila, lalambot sila. Natuto akong magpasalamat para sa maliliit na bagay– ihip ng malamig na hangin sa mala-desyertong kalsada, masarap na pagkain tuwing hapunan, harutan kasama ang mga kapatid, yakap ng kaibigan, eat-all-you-can, at ultimo pagmulat sa bagong umaga–. Lahat pala yun, dapat ipagpasalamat.

Unti-unti nasagot ang mga panalangin ko. Nakapasa na ako sa Language Exam. Nakapag-serve ako sa UP Campus Feast. Nagkaroon ako ng mas madaming kaibigan. Nakapagturo ako part-time sa isang kolehiyo sa Intramuros. At ngayon, nagse-serve na din ako sa Formation Ministry sa Feast PICC. Ang dami-dami pang mga biyaya over, under, and in-between. Napakadami ding mga pagsubok– paminsan, mas madami pa sila kaysa biyaya–, pero mas natuto na akong tumingin sa maganda.

Madami pa ding nawawala– pera, yung ballpen ko, yung tatay ko, yung suklay ko, UST ko, love life (nganga)… Pero natuto na akong ‘makakita’. Kahit pala hindi ako maghanap, nandiyan lang silang lahat– opportunities, career, kaibigan, service… lahat. Kailangan lang, bukas ang mata, puso, at isip ko, para mapansin ko sila.

Natuto akong magmahal. Natuto akong magpasalamat. Natuto akong makakita ng mabuti.

At nalaman ko na hindi naman pala si Jesus yung nawawala. Ako pala yung nawawala, tapos masyado lang matigas ang ulo ko kaya hindi ko siya nakikita.

Parang, Heller. I’m right here, you know? Nandito na ako sa harap mo, hanap ka pa ng hanap ng iba.

Parang love lang. Hahaha.

Mabuti nalang mahal na mahal ako ni Jesus. Kaya kahit tatanga-tanga ako’t hindi ko siya mahanap, siya parin yung nagpumilit na turuan ako kung paano siya makikita.

Yung sapatos ni Cinderella, nahanap kasi mahal na mahal siya ng Prinsipe kaya sinuyod ang kaharian para lang mahanap siya at maibalik sa kanya ang sapatos.

Yung ulirat ni Sleeping Beauty, bumalik kasi mahal na mahal din siya ng Prinsipe kaya’t hinamak ang lahat, magising lang siya ng kanyang matamis na halik.

Yung kagwapuhan ni Beast, na-restore kasi minahal siya ni Belle kahit na nuknukan siyang kachakahan nung sinumpa siya ng Enchanted Fairy.

Yung boses ni Ariel, bumalik kasi siya naman talaga yung minahal ni Eric; impostorang pusit lang itong si Ursula, pero sa dulo pag-ibig parin ang nanaig.

Si Nemo, kahit na nawala sa napakalawak na karagatan, nahanap parin ni Marlin dahil ang pagmamahal ng isang ama, mas malawak at malaki pa sa lahat ng dagat at langit at lupa na pinagsama-sama.

Hindi na mababalik ang suklay, ballpen, tatay, at laman ng wallet ko, pero ayos lang. (Note na hindi ko sinama ang UST kasi sinusumpa kong MAIBABALIK YAN!) Kasi natutunan ko na kahit na anong mangyari, may isang bagay sa mundong ito na kahit kailan hindi mawawala, at yun ang pagmamahal.  LOVE.

At mawala man ang LOVE ng kung sinong Poncio Pilato here on Earth, natutunan ko ang ang pagmamahal ni Papa God, wagas at naguumapaw. Paano ka ba naman mawawalan, kung ang pinanghahawakan mong pag-ibig, eh ang pinaka-nakakakilig, pinaka-fumoforever, at pinaka-nakakabless? Paano ka nga naman mawawalan, kung ang isang nagmamahal sa iyo ay ang pinanggagalingan ng lahat ng kayamanan, pagmamahal, at kapurian sa mundo?

Mawala man lahat ng bagay sa mundo, si Jesus, forever nandyan.

Dun palang, panalong panalo na tayong lahat.

Leaving Neverland

Until now, I don’t know who I hate more…

Sensible Wendy, who left everything wonderful behind because she knew she had to grow up.

Or

Child-like Peter, who let go of what probably is the best thing that ever happened to him, because he refused to grow up.

“Peter Pan and Wendy” by Sebastian Giacobino

 

#foodforthought

Because I’m a die-hard Peter-Wendy shipper.

Maikling Cheverloo: Araw ng Mga Patay

Ok, kids! Nitong nakalipas na undas, sino-sino ang inyong mga ginunita?

Teacher ako!

O sige, ikaw.

Ginunita ko po ang yumao kong lolo!

Beri good. Sino pa?

Ako po! Ginunita ko po ang namatay kong tita!

Beri good. Next?

Ako po! Ginunita ko po ang aking namatay na parrot!

Continue reading

On Courage

I was sorting through the files and folders of my laptop when I came across this question I asked the kids a few semesters ago. I remember saying and asking this out of the blue while we were discussing courage, then I typed down the lecture/question after class so I wouldn’t forget.

“When we were kids, we’d be the bravest people on the planet. We’d jump from the highest step in the staircase, climb the highest bars, swing from one branch to another; we were never afraid to get our hands dirty and discover. We were never afraid to tell what we feel. We were never afraid to believe– in Peter Pan, in Neverneverland, in Narnia, in magic. When we were kids, it was always so very easy to say the truth, and so very easy to say ‘I love you’, and ‘I hate you’. Then we grew up, and suddenly we start being scared. We develop all these phobias that were never really there when we were children: heights, darkness, water, elevators, enclosed spaces, bugs, and cockroaches… truth and love and commitment and honesty. We start to doubt, and question, and second-guess. We lose hope and faith. Why is it that when we grow older, instead of being braver, we become more afraid?”

*nganga lang mga bata*

And then last month, I came across a(n) (e)book and saw this. I never got to share this with my kids:

“He’d never laid claim to being a brave man and he’d only got more cowardly with age. Strange thing, that — the fewer years you have to lose the more you fear the losing of ’em. Maybe a man just gets a stock of courage when he’s born, and wears it down with each scrape he gets into.”

The Heroes, Joe Abercrombie

I stopped reading after I saw that passage.

But only because I wanted to finish the Dramione I was reading on the side.

The Open Room

My mind is a spacious room with three concrete walls,
a curtainless window, and a glass door that never closes:

All over the floor, random trinkets lay about-
Half of a heart
Whiteboard markers
Fancy letters
Yellow book pages
Dried up flowers
Concert tickets
Torn up pictures
Bended forks
Post-its
And even a
dismissal notice parading as
a ‘Thank You’ letter.

I never put them away,
so oftentimes when I’m not
watching my step,
I would trip over an item.
Pausing from my walk, I would
pick it up
sit down
and remember
for a while.
Sometimes I’d smile.
Other times I’d frown.

For the ‘smiles’
I would put it back where
I got them from
(just laying about on the floor,
ready to prick my foot the next
time I don’t watch my step).
For the ‘frowns’
I would walk to one corner
of the room where boxes
are piled on top of another,
if not side by side.

In those boxes,
I keep the things I do not
want laying about:
Things I do not
want to see,
things I do not
want to remember,
but
things I do not
want to throw away.

I sort them out sometimes,
the ‘smiles’ and the ‘frowns’.
I would sit down on the floor
and look at them
one after another,
(remembering, always
remembering
sometimes
forgetting)
before deciding whether
they belong to
the floor
or in one of the
boxes.

Sometimes, though,
a stray, unwelcome trinket comes
flying in from out the window
or the open glass door
then I would have to
immediately stuff it inside a box
so I won’t trip
and remember
or forget.

It might sound cold,
and cruel,
and calculating,
but this is how I function.
This mere act of sorting
and deciding
I call ‘compartmentalizing’.
It is how I can operate
and walk
and laugh
and stand strong
amidst the presence of
random trinkets
and the onslaught of
memories they hold.

My mind is a spacious room with three concrete walls,
a curtainless window, and a glass door that never closes.

CLAIMING DESTINY: A Tale of Heartbreak, Loss, Going Down the DEEP END, and finally Climbing Back Up (A thank you note FOR ALL)

29 May 2011

The lights are out and my door is locked. In the background, a slow song keeps playing on a never-ending loop. Outside, rain patters softly on the rooftops, and the wind, ever present, breeze through the open blinds of my window and into my room before settling onto me.

I close my eyes and feel every beat my heart makes, and feeling no pain coursing through my veins, I smile.

Continue reading

Kunwa-Kunwariang Deep: A Time for Everything

Matapos ang halos isang buwang katahimikan, isa na namang kunwa-kunwariang deep na post mula sa kaisa-isang TENSAI ng Bayan. HAHA. OO, magsusulat ako tungkol sa mga bata (eztudyamoz ko). OO, magsusulat ako tungkol sa bertday ko (kahit lipas na), at OO, magsusulat ako tungkol sa FAKULTEH SHOW.

Per0 sa ngayon, isang handog para sa inyo.

Dahil merong panahon para sa lahat ng bagay.

——–

There is a time for everything.
a time for passion
a time to cool off
a time to celebrate
a time to mourn
a time to obsess
a time to let go
The cycle never ends.

there is a time for togetherness
and a time for separation
there is a time for fondness
and a time for apathy
There is indeed a time for everything.

a time for you
a time for me
and a time for us both
There is a time for everything.

all must give way for another to come in

yet through it all
the one thing that never loses place
never loses significance
the one thing that is, was, and will be
that thing outside of time —

my love for you

——–
Nakuha ko sa baul. Nais kong ipaskil dahil may mga bagets akong nagsasaya isang minuto, at nagluluksa sa susunod. Naalala niyo yung sinabi ko sa inyo dati? Na wala sa mundong ito ang permanente. Pero ang pagmamahal, kahit mawala man, maaaring ibalik. Hindi man sa parehong tao, pagmamahal parin. 🙂 Kaya gorabels lang. 🙂

Dahil Sa Mga Bata

Lagi kong sinasabi noon na ang buhay, isang mahabang paglalakbay. Meron kang destinasyon, at yun ang target mong puntahan, pero lagi kong pinapayo sa mga tao at sa sarili ko na mas importante ang paglalakbay kaysa sa destinasyon.

Ngayon naman, naisip ko, ang buhay, parang isang malaking paaralan, at ang lahat ng makakasalamuha mo, mga kaklase at guro mo. Minsan, may pagkakataon tayong maging mag-aaral, minsan naman, may pagkakataon tayong maging guro. Merong mga problem kids, may mga pakyut, may mga epal, bully, mean girls, geek, nerd, loser, leader, at kung anu-ano pang stereotype ng mga estudyante.

Madaming eksam. Minsan jogsak ka, minsan naman pass ka with flying kulays. Kadalasan, nangangamote tayo kasi hindi tayo prepared, kaya nangangapa lang tayo. Minsan naman, prepared ka, kaya kahit anong ibato sa iyo ng buhay, kayang kaya mong sagutin.

Hindi lang sa loob ng eskwelahan matatagpuan ang mga titser at estudyante, at ako, si Karren Renz Sena, ay hindi lang isang guro. Isa din akong estudyanteng kumakayod na magkaroon ng matataas ng grades dito sa classroom ng buhay. Lagi din akong bumabagsak, pero ayos lang, kasi nakakabangon naman ako ulit. Bawi sa susunod na eksam. Minsan kailangan ng tulong mula sa mga klasmeyts, minsan kailangan mag-isa ka lang.

Hindi na pwedeng burahin ang mga pagkakamali. Parang puro permanent marker ang mga hawak natin, imbes na white board marker (sosyal dito sa UST eh). Ang mainam dun, pwede ka namang kumuha ng bagong eksam. Ang importante lang naman, natututo ka sa mga pagkakamali mo.

May bagong classroom akong pinasukan. Bagong arena, bagong laban, bagong lesson. Lumabas ako ng lumang classroom, at pumasok sa isang silid kung saan nandun nakalatag ang mga pangarap ko.

Minsan talaga napapaisip ako na siguro may ginawa diin akong tama para ibigay sa akin tong napakalaking biyaya na ito. Sa totoo lang, minsan, nagkakaroon ng mga pagkakataon na nakaupo ako sa harap ng klase’t pinagmamasdan ko ang mga estudyante ko, hindi ko parin ako lubos na makapaniwalang nandidito na ako sa puntong ito ng buhay ko. Hindi ko lubos na malunok yung napakagandang katotohanan na eto na, nagtuturo na ako, at eto ang mga napakagaganda at guwapo at katatalino kong mga estudyante.

Hindi ko lubos maipaliwanag yung nararamdaman kapag pinagmamasdan ko sila.

Parang sasabog yung puso ko sa sobrang pagmamahal.
Paano bang napunta ako sa mula Point A, kung saan umaariba ako sa Mafia Wars at Plants vs. Zombies sa mesa ko sa opisina (dahil ayoko magtrabaho), papuntang Point B, kung saan hindi ako magkanda-ugaga sa paggawa ng mga lecture, pagcheck ng papel, at pakikitungo sa mga batang hindi ko malaman kung bakit tinitingala at minamahal ako ng sobra-sobra. Anong nangyari?
Paanong naging Ma’am Karren si dating Karren lang na nagwawaldas ng pera ng kompanya dahil napaka-walang kwentang empleyado niya (sayang ang sinusweldo ko, pramis)?

Hindi natin alam.

Pero totoo siguro yung sinasabi nila na lahat ng bagay, lahat ng pangarap, lahat ng plano, nangyayari yan at ibibigay sa iyo sa tamang oras. Apat na taon akong naghintay para matupad ang pangarap kong makasama ang mga estudyante ko. Matagal ang paghihintay. Mahirap. Minsan, napaka-sakit na, dahil parang hindi na talaga matutupad yung pangarap. Pero ang galing lang
talaga ni Manong, kasi isang pitik lang niya, lahat ng bagay, napunta na sa mga dapat nilang kalalagyan.

Nandito na ko tuloy sa AMV. Kasama ko na ang mga pinakamamahal kong estudyante.

Ngayon ko lang natuklasan na posible palang maging sobrang saya ka sa ginagawa mong trabaho. Ngayon ko lang naramdaman yung galak ng pagpasok tuwing umaga, dahil alam kong makikita at makakasama ko na naman ang mga estudyante ko. Hindi ko maipaliwanag yung tuwa na nararamdaman ko tuwing tatayo ako sa harap at makikipag-usap sa mga batang handang makinig sa kahit anong ituturo ko- kalokohan man o katotohanan. Leksyon man sa Art at English, o leksyon sa buhay. Ngayon ko lang naramdamang makatanggap ng sobra-sobrang pagmamahal mula sa mga taong hindi ko naman kaano-ano. Ngayon ko lang natuklasan na pwede palang magmahal ng daan-daang tao ng sabay-sabay.

Ang sarap magturo.

Ang sarap magmahal at mag-alaga ng mga estudyante.

Ni minsan, hindi ko inisip na mahirap at mabigat sa loob ang pagtuturo. Oo, inaamin ko, kadalasan nakakapagod. Dumating sa punto na dahil nauubos ang enerhiya ko sa classroom, wala na akong magagawa sa bahay kundi ang maligo, magbihis, at plumakda sa kama. Nagtampo na sa akin ang mga kamag-anak ko kasi halos hindi na nila ako nakikita sa bahay. Lagi akong
nakatambay sa eskwelahan, at kung nasa bahay naman ako, nakakulong lang ako sa kwarto — tulog dahil sa pagod, o di kaya’y naghahanda na para sa susunod na lecture. Mga ilang linggo din bago ko nabalanse ng husto ang oras at enerhiya ko. At bwenas!

Hanggang ngayon hindi ko mabalanse ang MA at pagtuturo ko, pero wag na nating pagusapan yun dahil yan ang susunod kong target.

Minsan din, sa totoo lang, sa sobrang pagod, napapa-absent ako kasi hindi na ako makabangon. Pero pag nangyari yun, ang una kong iniisip, yung mga bata. Kumusta na kaya sila? Ano kaya ginawa nila nung period ko? Nagpa-party ba, o namiss nila ako? Ako kasi nababaliw pag hindi ko sila nakikita. Nami-miss ko sila.

Madami akong natutunan sa loob ng ilang buwan kong pagtuturo. Madami akong bagong prinsipyo na binuo, para magampanan ko ng mabuti ang pagiging teacher ko. Isa na siguro dun yung patakaran ko na iwanan ang lahat ng nega sa mesa ko sa faculty room.

Minsan kasi, nakakalimutan ng mga bagets na tao din ang mga propesor nila’t napapagod at nasasaktan din. Minsan, may mga bad days din kami. Hindi halata, pero minsan, mas malaki pa ang mga problemang pasanin namin kaysa sa mga problema ng mga bata. Kapag nangyayari yun, minsan hindi maiwasan ng guro na dalhin ang nega sa klase. Paminsan nagsusungit sila. Minsan naman low-energy kaya pati mga bata nahahawa. Paminsan naman, walang gana, kaya ayun, damay-damay.

Pinangako ko sa sarili ko na hindi ko gagawin yun sa mga bata, kaya kahit gaano kabigat ang pasanin ko, kahit gaano kasakit sa puso, at kahit gaano kahirap, iniiwan ko ang lahat ng problema sa faculty room, para paglabas ko sa corridor, MEGA WATT SMILE na ang nakapaskil sa mukha ko. Best Actress lang ang drama.

Natutunan ko din na kahit mga bata lang sila, nagkaka-problema din sila– sa puso, sa grades, sa kaibigan, sa landas na tatahakin. Napansin ko na hindi dapat minamaliit ang mga bata, kasi minsan din namang naging bata kaming mga guro. May mga panahon na iniisip ng matatanda na ang babaw ng mga problema ng bata, kasi kinukumpara namin ang mga pasanin natin sa mga pasanin nila. Nang makilala ko ng lubusan itong mga bagets ko, natutunan kong hindi sila tratuhin bilang mga bata, kundi bilang kapwa ko tao. Nasasaktan at nahihirapan din. Oo, kung ikukumpara ng mga ‘adults’ ang problema nila sa problema ng mga bata, mas matindi nga naman ang atin. Pero sa mga bata kasi, mabigat na yun, at tungkulin nating mga matatanda na gabayan at tulungan sila.

Hindi pa ako nakaka-dalawang linggo dito, pero parang guidance councilor na ako dahil ang dami na agad na lumalapit sa akin para manghingi ng payo at gabay.

Buti nalang madami akong kinakaing fortune cookie at mahilig akong magbasa ng quotable quotes kaya madami akong napapayo.

HAHAHA JOKE LANG JOKE LANG!!!

Dun ko din nalaman na hindi nagtatapos ang lecture sa English, Humanities, at Literature. Higit pa sa mga subject na tinuturo ko, responsibilidad kong tumulong sa paghubog ng mga pagkatao ng bawat estudyante. Tungkulin ko palang baguhin ang mundo, one student at a time. Hindi natatapos ang trabaho ko sa paglabas ko ng school. Bitbit ko ang pagiging ‘guro’ ko hanggang sa paguwi ko sa bahay. Bitbit ko ang titulo ko kahit saan ako magpunta.

Natutunan ko na may pananagutan na ako hindi lang sa sarili ko, kundi pati na rin sa mga batang tumitingala sa akin. Paano ko kaya bibigyan ng magandang halimbawa ang mga bata nang hindi ko kinokompromiso kung sino at ano ako? Kailangan ko bang magpakabait, magpakabanal, at magpaka-righteous? Kailangan ko bang tigilan ang pagiging demonyita’t maldita ko? Natutunan ko na hindi pala kailangan.

Kailangan ko lang maging totoo sa sarili ko, at tapat sa mga estudyante ko. Hindi ko kailangang magbago. Siguro, kailangan lang ng konting adjustments, pero hangga’t maaari, minabuti ko na ipakita sa kanila kung sino at ano talaga ako. Wala akong itatago, at hindi ako takot magkamali sa harap nila. Alam nilang kaya kong maging mabait at mapangunawa. Alam nilang nagiging bitter ako minsan. Alam nilang minsan, nanghihina din ako. Alam nilang angas ako’t pala-sugod, at alam din nilang kinukubra ko yun para sa kanila. Una palang, pinakita ko na sa kanilang tao ako, at estudyante ding tulad nila na nangangapa lang kung paano mabuhay ng tama.

Sa ngayon, hindi ko pa natutunan kung paano maging matigas. Masyado pa akong mabait at mapagbigay. Hindi ko pa sila kayang tiisin. Siguro kasi, hindi naman nila ako binibigyan ng rason para gawin ang mga bagay na yun. Hindi pa nila ako ginagalit ng lubusan, kaya wala akong rason para maging malupit. Swerte ko lang talaga sa mga estudyante ko. Minsan, nakakalimot sila, pero sa kabuuan naman, mababait silang mga bata. Umaabuso pag medyo hindi sinasaway, pero nakukuha naman sa isang takutan. Alam din naman nila kasi kung gaano ako ka-maldita kaya hindi nila ako sinusubukan.

O baka kasi naiparamdam ko sa kanila na mahal ko sila, kaya mahal din nila ako.

Masayang kasama ang mga bata. Mas madami akong natutunan sa kanila kaysa naituro. Iisa lang ako, at humigit-kumulang limang daan ang mga estudyante ko. Pare-pareho lang kaming mag-aaral dito. Yun nga lang, ang opisyal kong titulo ay ‘titser’, at sila ang mga ‘estudyante’. Masaya silang kasama.

Pero lahat ng bagay may katapusan. Kailangan kong tanggapin yun. Gustuhin ko man, alam kong hindi ko sila pwedeng maging estudyante habang buhay. Yan siguro ang sumpa sa mga guro: ang manatilit kung saan kami naroroon, habang ang mga estudyante namin, come and go. Mamahalin namin sila at aalagaan, pero kailangan naming tanggapin na hindi habang buhay ay hawak namin sila.

Iiwan din nila kami, kasi kailangan nilang ipagpatuloy ang paglalakbay, kasama naman ang iba pang mga guro.

Parang nakaupo lang kaming mga guro sa loob ng isang klasroom, kung saan labas-masok ang iba’t ibang mga estudyante. Hindi kami umaalis sa kinauupuan namin, naghihintay lang kami ng mga bago pang mga bata na kailangan namin gabayan. Swerte namin kung may mga bumalik sa inyo para magbalita kung kumusta na kayo.

Masyado akong napalapit sa mga estudyante ko. Masyadong malaliim yung mga lugar na naukit nila dito sa puso ko.

Hindi ko tuloy alam kung paano magpapaalam.

Hindi ko din alam kung paano ko haharapin ang mga dadating pang estudyante. Basta ang alam ko, malaki pa ang lugar dito sa puso ko para sa mga dadating pa. Handa na akong harapin at makilala ang mga susunod na batch, pero hindi ibig sabihin nun ay mapapalitan na ang lugar ng mga nauna.

Ang sarap maging titser. Ang sarap maging estudyante. Ang sarap namnamin ng pangarap.

Dahil sa mga bata, naramdaman ko kung paano ang mahalin ng lubusan. Natututo akong maging mas mabuting tao. Dahil sa mga bata, mahal ko ang trabaho ko.

Sabi nga ng isang kanta…
I’ve heard it said

That people come into our lives for a reason
Bringing something we must learn
And we are led
To those who help us most to grow
If we let them
And we help them in return

Well, I don’t know if I believe that’s true
But I know I’m who I am today
Because I knew you…
Like a comet pulled from orbit
As it passes a sun
Like a stream that meets a boulder
Halfway through the wood
Who can say if I’ve been changed for the better?
But because I knew you
I have been changed for good

It well may be
That we will never meet again
In this lifetime
So let me say before we part
So much of me
Is made of what I learned from you
You’ll be with me
Like a handprint on my heart
And now whatever way our stories end
I know you have re-written mine
By being my friend…
Like a ship blown from its mooring
By a wind off the sea
Like a seed dropped by a skybird
In a distant wood
Who can say if I’ve been changed for the better?
But because I knew you
I have been changed
For Good
-‘For Good’, Wicked

Pailalimang Saksakan, Talikurang Bangasan, Walang Pakundangang Parinigan

Ang cute talaga ng social networking sites, kung minsan ano? Naturingan adik ako sa Facebook, at paminsan, Twitter, kaya kapag may libre akong oras (o kahit wala hahaha), magbababad ako dun.

Dati nung hindi pa ako titser at madami pa akong libreng oras, ugali kong magbasa ng mga post sa mga wall ng tao. Subukan niyo. Para kayong nagbabasa ng isang mahabang kwento. Alam niyo ba na masusubaybayan niyo ang mga pangyayari sa buhay ng isang tao sa pamamagitan lang ng wall niya? Meron ako noong sinubaybayang kaibigan. Hanep, parang telenobela lang. Hindi kami close, pero alam ko na halos kung anong nangyari sa lablayp niya dahil lang sa mga wall post niya.

Echosera lang?

Lahat tayo nagiging echosera’t usisera kasi nga naman, sa oras na pinaskil mo sa social networking site ang saloobin mo, sinasalang mo na ito sa publiko. Bukas na ito sa kahit na anong kritisismo, reaksyon, komento, likes, o kung anu-ano pa. Pinapaskil mo eh. Wag kang magreklamo ngayon kung biglang usisain ng tao ang buhay mo.

Ganun din sa pag-blog at pag-tweet. Sa sandaling pinaskil mo sa internet ang kwento’t mga saloobin mo, free for all na yan. Kung magthe-theorize tayo (ayan na lumalabas na ang pagiging Comparative Lit Major ko),  parang exhibitionism yan sa parte ng manunulat o ng nagtu-tweet, o ng nagpo-post sa FB. Voyeurism naman sa parte ng mga mambabasa. Teorya palang yan, pag-aaralan ko pa para sa grad school. HAHAHA.

Mabalik lang sa mga post at blog, ano. HAHAHA. Kung anu-anong mga reaksyon na makukuha niyan. Minsan puro papuri makukuha mo. Minsan ma-eelibs sa iyo mga tao  kasi ang tapang mong maglahad ng nasasaloobin mo. Kaya siguro madaming nagbabasa ng blog ko, kasi walang pakundangan ako kung maglahad ng nasasaloobin ko. Yan ang natutunan ko sa pag-aaral ng malikhaing pagsulat.

Lahat ng sinusulat mo, nanggagaling sa pinagsamang galing at talino ng parehong puso at utak mo. Ang pagsusulat kasi, parang pakikipag-usap yan. May gusto kang sabihin at ibahagi sa mga tao, kaya’t maglalakas-loob kang ilahad ang puso’t kaluluwa mo sa publiko, dahil baka isa o dalawa sa kanila’y makapulot ng konting aral dito.

Hindi madali ang magsulat. Hindi madali ang maging totoo sa sarili, at maging totoo sa mga tao. Para kang naghuhubad dahil nilalahad mo sa buong mundo’t kalawakan ang mga pinakatago-tago mong emosyon, saloobin, at ideya. Para kang naghihiwa ng sugat na matagal nang naghilom; kailangan mo itong paduguin to para tumugis ulit sa papel ang lahat ng alaala.

Minsan naman, may hindi sasang-ayon sa iyo. Nakakatuwa kung yung mga hindi sumasang-ayon ay maglalaan ng panahon para ibigay ang sarili nilang opinyon. Minsan sa comment dito magsusulat. Minsan sa wall ko sa fb. Minsan naman, diretso sa email ko. Magkakaroon ng diskusyon kung saan malaya ang mga tao na ilahad ang sarili nilang mga saloobin.

Yan eh kung matapang yung tao para tapatin ang mga manunulat.

Madako tayo sa tinatawag na… KALAYAAN.

May kalayaan ang tao na isulat ang lahat ng nasasaloobin nila. May kalayaan din ang tao na magkomento sa mga nababasa nila. May kalayaan ang tao na magkaroon ng negatibong reaksyon sa mga nakasulat. May kalayaan ang tao na sumagot sa kung anong paraan ang alam at kaya nila.

Walang paki-alaman. Magsusulat ako hangga’t gusto ko magsulat. Sumumpa ako noon na magiging matatag ako sa pagsusulat. Sumumpa ako na magiging totoo ako sa sarili ko sa bawat pag-lahad ng kamay ko sa keyboard, o sa bawat pagtugis ng bolpen ko sa mga notebook ko.

At kapag sinabihan akong tigilan ang pagsusulat at paglalahad ko, LALO LANG AKONG NANGANGATING MAGSULAT. KASI KAYA KO.

BECAUSE I CAN, sa Ingles. (Hayup, gumaganun!)

At kayo, malaya din kayong mag-react sa kung anong sinusulat ko. Kasi kaya niyo.

Madako tayo sa isa pang napaka-sikat na aktibidades sa mga social networking sites. Parinigan.

Katuwa mga tao minsan ano. Post ng post ng mga parinig. Minsan maloloka nalang ako eh, puro na parinigan sa news feed ko. Parang, ‘Ay. Nasan na ang world peace na tinatawag?’ Miss Congeniality lang? Adik diba.

Bakit nga ba nagpaparinig? May pinapatamaan ka ba? Gusto mo bang marinig yan ng tinatarget mo? O gusto mo lang din maglabas ng nasasaloobin pero ayaw mong iparating sa taong gusto mong paringgan kasi WAR ITO SHET, kaya ibubuhos mo nalang sa pader o sa blog mo? Kahit sa totoong buhay eh… minsan nag-aadik mga tao, idadaan nalang sa parinig at talikurang pambabargas ang lahat ng gustong iparating.

Bakit kaya hindi mo kayang puntahan yung tao tapos sabihin ng harapan sa kanya mga gusto mong sabihin?

Duwag ka?

Hindi mo kasi masasabing ‘wala kang panahon’ para mangompronta eh. Kung may panahon kang magparinig, tiyak may panahon ka para sabihin ng harapan ang kung anong gusto mong sabihin.

Nagtataka lang ako talaga. Major major confused ako sa logic ng mga taong mahilig magparinig, kasi ako, diretso akong tao eh. Kung may problema ako sa iyo, sasabihin ko sa iyo ng diretso, para mapag-usapan natin.

Kung gusto kong makipag-away sa iyo, aawayin kita ng harapan. Warfreak lang? Hinde. Tapat lang. Kung warfreak ang tawag niyo sa taong pranka sa lahat ng gustong sabihin, at tapat sa nararamdaman– galit man ito, o tuwa, o lungkot, o kung ano pa– eh di sige. Warfreak na.

Sus.

Ilang tao lang sa mundo ang kaya ng ganun? Hindi ko kayo inaaway ha, nagtataka lang talaga ako kasi medyo pointless ang pagpaparinig. Self-exression din ba? O sige na nga. Sa ibang kaso, oo. Baka nga gusto lang din maglabas ng ibang tao ng mga nasasaloobin nila, pero ayaw nilang makarating sa target.

Eh bakit nagparinig ka pa?

Ako na… ang confused.

At isa pa. Kung halimbawang nakita mong may nagpaparinig sa iyo at nambabargas sa iyo ng patalikod gamit ang mga twitter at fb account nila, ano gagawin mo?

Gaganti ka ba gamit ang sarili mong pader at tweet-tweets? Babargasin mo din siya, kahit alam mong 50-50 lang ang tsansang mababasa niya yun. At pag nabasa niya yun, aba’y gaganti din siya. Parinigan nalang.

What a very adult and professional activity. Very enlightening.

Kaloka.

Meron akong nakita na page sa FB noon, parang, ‘Parinig ka ng parinig sa wall mo, hindi mo naman kayang harapin! Wall to wall nalang, o!’

Siyempre, nag-like ako.

Ayan na naman tayo sa usaping ‘gantihan’ at ‘pagpatol’. Kaya hindi natatapos lahat ng away at giyera sa mundo eh. Puro patulan ang nagaganap. Ang hirap kasing mambato ng tinapay, eh binato ka ng bato. Sinong sintu-sinto gagawa niyan? Sinampal ka na sa kanang pisngi, ibibigay mo pa kaliwa mo? Adik ka?

Pinaringgan ka na’t binargas-bargas ng patalikod, hindi ka pa papatol? Ano ka, santa? Ako pa man din, napakahilig kong pumatol. Hindi ako marunong magpatalo eh. Kapag pinaringgan ako, susugurin ko’t titirahin ko yung taong yun ng harapan– sa harap ng maraming tao para may eksesna. Kapag inaway ako ng patalikod, mangaaway ako ng diretsahan. Kapag tinaasan ako ng boses, kukulu ang dugo ko, aabot sa penthouse ang presyon ko, at mas tataasan ko din ang boses ko. Away to.

Kapag binato ako ng bato, babatuhin ko ng isang bloke ng semento.

Kapag binuhusan ako ng tubig, bubuhusan ko din siya ng tubig. Yung kumukulo pa.

Warfreak talaga. Yun nga lang, ako, harapan.

Kaya lang, kahit gaano ako ka-warfreak, pwede din naman akong kausapin ng matino. Minsan, kahit na gustong-gusto ko nang patayin yung tao, kapag hinarap ako ng maayos, haharapin ko parin ng maayos. Tragic flaw ko yan eh. Ang bilis kong magpatawad. Kahit na binargas-bargas na ako, tae, isang sorry lang o kaya isang maayos  na approach lang, wala na. Wala na ang rage. Loser lang. Asar.

Sabi ng iba, maganda daw yung ganung ugali. Mabilis kausap, kahit galit na. Pero sabi ko, hindi rin. Kasi minsan inaabuso ng mga tao yung ganun kong ugali eh. Tsaka wala tuloy akong chance na maging warfreak. Tsk.

Ang hirap ng hindi pumatol. Sarap kasi minsan ilabas ang lahat ng galit, ang sarap makipag-warlahan. Ang sarap din pumatol sa parinigan. Pero kasi napapaisip din ako, ano. Nagsusulat ako dito. At totoo ako sa lahat ng sinasabi ko, lalo na sa sarili ko. Nagpapakabalahura ako sa harap ng mga mambabasa ko, kasi eto ako eh. Pero iba ang pagiging totoo… sa pagpapakita ng maling halimbawa.

Lalo pa’t may mga kids na nagbabasa dito (I love you, kiddos! HAHAHA). Lalo pa’t ang propesyon ko ay medyo hebigatin. Titser ba.

May mga panahong gusto kong gumanti’t bumaba sa lebel ng ibang tao. Pag writer ka kasi, medyo makakakita ka ng mga hindi lang negatibong komento… yung talagang pambabangas na. Tapos hindi pa sa iyo ididiretso. Magtu-tweet lang ng kung anu-anong pambabangas, ni hindi naman alam kung ano ang buong kwento. Ni hindi alam kung ano totoong nangyayari.

Pag ganun, kasarap lang pumatol. Kung sa bangasan lang, expert ako dyan. Pwede kasing pabangas din, pa-balahura, at parinig din. Pero napapaisip ako. Importante kasi sa akin yung propesyon ko at yung posisyon ko bilang guro. Seryoso ako sa trabaho ko.

Higit pa sa English, Technical Writing, At Humanities (paminsan Creative Writing at Literature… yabang lang?!) ang kailangan kong ituro sa kanila. Kailangan ko silang gabayan na gumawa ng tama. Kailangan ko silang alalaayan hanggang sa pag-lakad nila papalabas ng Arc of the Centuries. Kailangan ko silang ihanda para sa buhay sa labas ng unibersidad.

Minsan, napapaisip ako kung kaya ko ba. Pero kasi binigay sa akin tong pribilehiyo at karangalan na maging guro nila eh. Kaya sinusubukan ko talaga.

Minsan, may mga gusto na akong gawin na tipong gusto ko nang ilabas yung mga kinubra kong sungay. Pero nandyan ang mga bata. Nandyan sila, nakamanman sa lahat ng kilos at salita ko.

Sa mata ng bata, ang lahat ng ginagawa ng matanda ay tama.

Kaya nagsusumikap din akong mas mabuting tao, para sa mga estudyante ko. Mga anghel sila na pinadala ng langit para putulin ang sungay ko’t bawasan ang pagiging maldita ko. Sa totoo lang, hindi ko lubos mapakita sa kanila kung gaano sila kaimportante sa akin, at kung gaano ko sila kamahal. Hindi ko lubos maipakita yung pasasalamat ko sa lubos-lubos na pagmamahal na binibigay nila sa akin.

Hindi dumadaan ang araw na hindi nila ako hinaharang sa tuwing magkakasalubong kami. Kailangan talaga, magchikahan kami kahit sandali. Hindi dumadaan ang araw na hindi sila babati, o ngingiti, o yayakap. Libre ang yakap at pagmamahal kapag titser ka. Iba ang amats, kapag may humigit-kumulang 450 na bata na nagmamahal sa iyo.

Oo, may iba dyang bata na binabangas din ako patalikod. Hindi maiiwasan yan, lalo na’t minsan eh lumalabas ang pagkamaldita ko sa klase (kapag medyo maingay na sila). At isa pa, sinong teacher ang hindi inalyasan at binangas ng mga bata? Pero sa dalawa o tatlo na nambabangas sa akin, ano ba naman sila, eh ilang daan naman ang nagmamahal?

Gayunpaman, mahal na mahal ko silang lahat. Yes, kahit yung mga nambabangas.

Kaya ayan. Nagpapakabait tuloy ako, kahit na kagabi, umabot sa stratosphere ang presyon at urat ko nang mabalitaan kong binabargas na naman ako ng patalikod ng ilang taong hindi ko alam kung bakit hindi ako kayang harapin. At mangyari lang na ang nagsumbong at nag-report sa akin na may ganitong anumalya, ay yung kuya na mismong dahilan kung bakit ako binabangas ng isang anonymous na ate.

Imbes na pumatol at magparinig, naghanap nalang ako ng ibang paraan para tugunan ang sitwasyong ito. Eto ang isa sa mga alam kong paraan. Pagsusulat. Baka may madampot pa kayong aral dito, ewan ko lang. Isang malaking feeling lang naman paminsan eh. HAHAHA APIR TAYO MGA TSONG.

Makapangyarihan talaga ang salita. Naisulat man, o nasabi, kapag binato mo to, habambuhay na yang tatatak. Ako bilang manunulat, dito sa blog nilalahad ang saloobin. Tapat ako sa mga mambabasa ko, kaya siguro ang daming sumusubaybay dito.

(MARAMING SALAMAT I LOVE YOU ALL PWERA BIRO SALAMAT TALAGA MWAH. Ay. Artista lang?)

Lahat tayo, may kalayaang mag-bitaw ng salita. Sa kasawiang-palad, ang kalayaan na yan ang nagbibigay din sa atin ng paraan na maging backstabber at duwag, kasi malaya din tayong mambangas ng hindi alam ng ibang tao.

Subukan niyo nga minsan. Kung may gusto kayong sabihin, idiretso mo sa taong gusto mong pagsabihan. Try niyo. Kaya niyo ba?

Siya. Sige na nga. Give peace a chance. High road tayo.

(PS… Kids, sorry absent si Ma’am. Nabinat eh, pano naulanan ng ilang araw. T__T Ahmishu kiddos.)

Dahil Matanda Ka Na…

Kaninang umaga, nakasabay ko sa jeep ang isang cute na cute na bata at ang kanyang hindi masyadong cute na I dunno whut yaya ba, o lola, o tita, o kung sino man matanda. Siguro yung bata mga, kinder yata, tapos yung kasama niya parang mga nasa late 40’s to 50’s na. Kung mas bata pa siya sa hula ko, sorry nalang.

Tawagin nalang natin silang ‘Si Neneng at si Bantay’. Kitang-kita ang respeto ko sa matanda, ano?

Kumakain si Neneng ng Chips Delight, tapos paunti-unti sinusubuan din siya ng kasama niya. Paminsan pansin ko pumupuslit din si Bantay, kasi susubo din siya ng pakonti-konti kapag hindi nakatingin si Neneng.

Nung matapos silang kumain, aba, lintek lang. Biglang tinapon lang ni Bantay yun balat ng Chips Delight sa sahig ng jeep.

Naimbyerna ako. Bakit ba napaka-walanghiya ng ibang tao dito sa mundo?Simpleng basura nalang eh, punyemas lang, hindi ba pwedeng itago mo muna yan sa limpak limpak na bag na dala mo.

Nakakainis. Gagawa ng anumalya ang mga tao, tapos magrereklamo at matatakot dahil nasisira na ang Earth. Gagu lang. Kung ganyan lahat ng tao sa mundo, eh talagang hanggang 2012 nalang nga tayo. Sarap sampalin.

Hindi naman talaga ako bastos sa matatanda. Sa totoo lang, matindi ang paggalang ko sa kanila. Pero kung ganyang kabastos-bastos ang ginagawa, eh sorry po, hindi po kita kayang galangin.

Tinititigan ko siya ng masama. Aba’y hindi nakakaramdam. Nag-ayos pa ng gamit na tipong parang bababa na siya. Gusto ko sanang magbulag-bulagan kasi ayokong magmukhang pakialamera. Ayoko sanang mag-react, kasi simpleng bagay lang yan.

Pero hinde. Yung mga simpleng bagay na yan, pag pinagpatong patong mo’t pinalampas mo, malaking bagay din yan sa huli. Karakter nalang eh. At yung epekto ng basura sa kapaligiran.

Nasa harap ko siya nakaupo. Ang ginawa ko, talagang dumukwang pa ako para damputin yung bwakananginang basura niya. Tapos malakas yung boses ko, sabi ko dun sa kahelera kong kuya,

“Kuya, paki-tapon naman po ‘to sa basurahan o. Makiki-abot lang po.”

Yung pang talagang matigas at nagmamalditang tono ang ginamit ko, at ang kilay ko, umabot na yata ng hairline. Maraming salamat kay Kuya, sa pag-abot ng basura, at paglagay nito sa tamang lalagyanan.

Tiningnan ako ni Bantay, at tiningnan ko din siya ng masama. Parang, “Ano, ha? Ano ka ngayon, ha?”

Naglalaro at paismayl ismayl lang si Neneng. Hindi niya alam na kinakanti ko na ang kasama niya. Hindi ako nagsalita, kahit na gusto ko siyang pagsabihan. Sapat na siguro yung ginawa ko para ipamukha sa kanya na isang malaking KAHIHIYAN at PAGKAKAMALI ang ginawa niya. May kasama siyang bata. Ano nalang ang magiging ugali at pamamaraan ng batang yun pag tanda niya.

Hindi na ako magtataka kung balang araw gagawin din ni Neneng ang ginawa ni Bantay.

Asar lang eh.

Pwede ba. Maldita na kung maldita. Mataray na kung mataray. Pero kasi, hindi ko din naman yata kayang pabayaan yung mga ganyang bagay, kung alam ko namang may magagawa ako.

Nung bata ako, lagi kong naririnig sa TV ang isang kasabihang hindi ko na nakalimutan.

Sa mata ng bata, ang ginagawa ng matatanda ay tama.